Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rolly, nagre-respond na sa mga gamot (matapos ma-stroke)
Rolly, nagre-respond na sa mga gamot (matapos ma-stroke)

Rolly, nagre-respond na sa mga gamot (matapos ma-stroke)

NA-STROKE si Rolly Quizon at nasa ICU ng isang ospital sa Quezon City. Ang maganda lang balita ay mukhang nagre-respond naman siya sa mga gamot na ibinibigay sa kanya.

Ewan kung natatandaan pa ng henerasyon ngayon si Rolly. Siya ang unang anak ni Mang Dolphy na sumikat bilang isang matinee idol. Pogi naman iyang si Rolly lalo na noong nagsisimula pa lamang siya. Bagets pa iyan nang pumasok sa pelikula at nang malaunan ay naging regular sa John and Marsha, bilang anak din ng tatay niya at ng aktres na si Nida Blanca. Ipinartner pa siya noon kay Alma Moreno, na nang malaunan ay naging asawa rin ni Mang Dolphy.

READ MORE:  Gerald, na-dislocate ang balikat

Noong lumaon ay medyo nagkakaroon ng kaunting problema, nasabayan pa ng pasok ng isa pang anak ni Mang Dolphy, si Eric Quizon, na matinee idol din ang dating at medyo nasapawan nga si Rolly. Lumabas na mas naging seryoso sa kanyang pinasok na career si Eric, mas sumikat hanggang sa maging director pa nga ngayon. Noon naman medyo nabakante na si Rolly.

READ MORE:  Marian, kamukha raw ni Virgin Mary?

Maraming kung ano-anong lumalabas na tsismis noon kay Rolly na medyo nagka-bisyo nga raw, pero baka hindi naman totoo. Huli naming nakita si Rolly nang masalubong sa isang mall, mga ilang panahon na rin ang nakararaan. Medyo matured na nga. Iba na ang hitsura. Mukhang hindi napangalagaan ang sarili, pero nakilala pa rin naman niya kami. Binati pa nga kami eh.

Mabait naman iyang si Rolly eh. Kahit noong panahong sikat na sikat iyan, hindi naging mayabang.

READ MORE:  Iñigo, ‘di na kayang pigilan ni Piolo; Viva movie, uumpisahan na

Nakalulungkot na ngayon ay bigla na lang nabalita na na-stroke siya. Nangyari iyon sa loob ng isang supermarket. Mabuti kasama niya ang girlfriend niya, at may iba namang mga taong tumulong para mabilis siyang madala sa ospital.

Si Rolly, nakasama pa iyan ni Ate Vi roon sa pelikulang Burlesk Queen, at nanalo pa siyang best actor noon sa Metro Manila Film Festival. Nakahihinayang lang at napabayaan niya ang kanyang career. Magaling pa naman sana siyang actor.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved