Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mga kasamahan ni Male TV Personality, sabay-sabay nagbitiw
Mga kasamahan ni Male TV Personality, sabay-sabay nagbitiw

Mga kasamahan ni Male TV Personality, sabay-sabay nagbitiw

DUDA ang maraming manonood kung bakit sabay-sabay na nagbitiw ang mga kasamahan sa show ng isang sikat na male TV personality na ito.

Nauna nang sinibak ang isa nitong kasama, pero katanggap-tanggap naman ang dahilan. Ang pagiging unprofessional daw nito ang ikinatsugi niya sa show.

READ MORE:  Jacky Woo, itinanghal na Best Actor sa London para sa Tomodachi!

Pero hirit ng isang viewer, ”Eh, ano naman ang dahilan kung bakit after masibak ang taong ‘yon, eh, sabay-sabay na nag-resign ang iba pa niyang mga kasamahan? Huwag mong sabihing unprofessional din sila?”

Sumusumpa tuloy ang mga manonood na tiyak na may diperensiya ang male personality, ”Hmp! Ang nakikita lang kasi ng tao, eh, ‘yung pagiging matulungin niya kuno sa mga mahihirap, pero I’m sure, may ibang dahilan.”

Da who ang male TV personality na ito na mukhang kapani-paniwalang may ‘di kaaya-ayang ugali? Itago na lang natin siya sa alyas na Billy Villa.

READ MORE:  Ai Ai, balik-Kapamilya; Women of the Weeping River, namayani sa 40th Gawad Urian
READ MORE:  Nabantilawan ang career dahil kay Crispy Patah!

(Ronnie Carrasco III)

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top