Monday , July 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Balikan nina Sharon & Gabby detalyado at personal na alam ng Vonggang Chika
Balikan nina Sharon & Gabby  detalyado at personal na alam ng Vonggang Chika

Balikan nina Sharon & Gabby detalyado at personal na alam ng Vonggang Chika

EARLY 90s ay nag-umpisa ang closeness namin kay Sharon Cuneta, ng kaibigan at kapwa columnist at entertainment editor ng isang tabloid na si Rohn Romulo. Naging malapit kami kay Sharon dahil madalas namin siyang puntahan noon sa taping ng kanyang top-rating Sunday musical variety show noon na “SHARON” na umere nang matagal na panahon sa ABS-CBN.

Kung anong oras abutin ng taping niya si mega na kadalasan ay inaabot ng 5:00 ng umaga ay stay kami sa studio at naa-appreciate ito ng nanay-nanayan na­min sa showbiz.

At dahil malapit nga kami sa megastar, minsan tinanong namin siya ni katotong Rohn tungkol sa isyung dumaan sa bahay niya si Gabby Concepcion para magkape na kanyang pinatuloy at pinainom nga ng coffee at hindi naman niya itinanggi sa amin ang bagay na iyon.

Hanggang nagkuwento na siya (Shawie) na sabi raw ni Gabby sa kanya ay babalik na sa kanila ni KC. Pero hindi na ito nangyari dahil nang magkasama sila ni Gabby sa paglalaro sa Star Olympics ay naroon din si Jenny Syquia.

At mas pinili nga ni Gabo si Jenny kaya naunsiyami ang nasabing reconciliation. Kaya ‘yung rebelasyon ni Sharon kay Korina Sanchez last Sunday sa “Rated K” lahat ng kanyang sinabi about her estranged husband actor ay may bahid ng katotohanan.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

 

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved