Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Barangay & SK elections walang dahilan para hindi matuloy
Barangay & SK elections walang dahilan para hindi matuloy

Barangay & SK elections walang dahilan para hindi matuloy

MAGING si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay hindi na pumapayag na mabinbin pa ang barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) elections sa darating na 14 Mayo 2018.

Ilang beses na nga namang na-delay ito mula noong Oktubre 2016 at Oktubre 2017. Ngayon nga ay marami na ang hindi pumapayag na hindi pa matuloy sa Mayo ang BSK elections.

Marami nga naman ang sawang-sawa na sa mga nakaupong barangay officials sa kanilang lugar.

Talagang nakasasawa na! Lalo na kung walang ginagawang mabuti ang  barangay  officials para sa kapakanan ng constituents.

Pero ang concern nga ni Tatay Digong, kung ang mga nakaupong barangay officials ngayon ay impluwensiyado at pinopondohan ng mga ‘drug lord’ tiyak na sila rin ang mananalo sa elek-siyon.

Pero, puwede rin naman, magpalit ng ‘tuta’ at magpatakbo ng bagong kandidato ang mga drug lord para hindi sila mahalata. At kung su-sundan ang rason ng Pangulo na popondohan ng mga drug lord ang kanilang mga ‘tutang’ kandidato, tiyak na lulusot pa rin sila at mananalo.

READ MORE:  Kaso ni Kap Borbie Rivera ng Pasay masalimuot at malalim

Pero siyempre, diyan papasok ang papel ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Commission on Elections (Comelec).

Kailangan ang nasabing dalawang ahensiya ang manguna para ipaliwanag sa constituents kung sino ang dapat nilang iboto.

Hindi naman sila tahasang mag-i-endoso ng pangalan kundi ipaliliwanag nila kung ano ang mahusay na katangian ng isang kandidato na maglilingkod sa mamamayan lalo na sa mga kabataang botante.

Dapat din mabigyan-diin na dapat magduda sa mga kandidatong galante. Dahil tiyak, lahat ng nagastos ng kandidato babawiin rin nila kapag sila’y nakaupo na.

READ MORE:  Baha, sagot ni Mayor o ni Digong?

Para sa kapakanan ng buong komunidad sa partikular, at ng buong bansa sa kabuuan, dapat maging mulat ang mga botante na hindi nila dapat iboto ang mga kandidatong sangkot sa droga — direkta man o suportado ng sindikato.

Huwag pong kalilimutan ‘yan.

CARIBBEAN PROSTITUTES
SANDAMAKMAK SA BAIA
LUNA KTV BAR SA KYUSI

HINDI lang pala sa Tycoon KTV Bar nagkalat ang foreign prostitutes.

Kung sa Tycoon KTV Bar ay hayag na hayag ang pagrampa ng Chinese prostitutes, sa Baia Luna KTV Bar sa Timog ay rampadora naman ang Caribbean prostitutes gaya ng mga bebot na mula sa Colombia at Brazil.

E alam naman ninyo kapag Caribbean beauties, ibang klase ‘yang mga ‘yan. Ang sabi nga ‘e mga ‘balahibong pussy ‘este pusa’ ‘yan. Meaning manibalang pa pero parang hinog na hinog na.

READ MORE:  DOTr, airport authorities magpapatupad nang mahigpit na traffic safety measures ngayong holiday season

Mantakin ninyong, lumipad pa patungong Philippines my Philippines para ‘rumampa’ lang?!

Wala ba silang ‘clientele’ sa Colombia at Brazil?! O very expensive sila.

Pero gaya sa Tycoon KTV Bar, mukhang hindi rin alam ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) na may mga rampadorang Caribbean sa Baia Luna?

Ganoon nga kaya? Wala nga kayang alam ang NBI at BI?!

O baka naman gaya sa Tycoon, tambayan na rin nila ang Baia Luna?!

Pakibusisi nga po Director Dante Gierran and Commissioner Bong Morente?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved