Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Medical mission & relief distribution ng MIAA sa Bicol malaking tulong
Medical mission & relief distribution ng MIAA sa Bicol malaking tulong

Medical mission & relief distribution ng MIAA sa Bicol malaking tulong

UMABOT sa 1,500 pamilya ang benepisyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa ginawa nilang relief distribution and medical mission kabilang ang free haircut nitong Sabado sa mga apektado ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano sa Anislag, Daraga, Bicol, isa sa mga evacuation site.

Pinangunahan ni MIAA General Manager Ed Monreal kasama ang iba pang opisyal sa pama­mahagi ng 4 kilo ng bigas, 2 galon ng distilled water, 5 piraso ng assorted canned goods, isang kumot, isang banig at timba.

READ MORE:  Apela ng MIASCOR ibinasura ng Palasyo

Ang nasabing gawain ay bilang bahagi ng ika-36 anibersaryo ng MIAA sa pakikipagtulu­ngan ng Air 21, Cargohaus, Philippine Army, Manila Chinatown, Lionsclub, Radio Emergency Communication Operations Network Philippines Inc. (RECOM) at iba pang local government units (LGUs).

READ MORE:  Terminal rationalization program hindi matutuloy

Bahagi rin umano ito ng “corporate social responsibility in-line with the anniversary.”

Sa kabuuan, nakapamahagi sila ng 6,000 kilos ng bigas; 3,000 galon ng distilled water; 7,500 piraso ng assorted canned goods; 1,500 praso ng kumot; 1,500 piraso ng banig at 1,500 piraso ng plastic na timba

READ MORE:  Medical malpractice sa Lourdes Hospital sa Sta. Mesa, Maynila?

Lahat ‘yan ay nagkasya sa dalawang Air 21 delivery trucks na umalis noong Biyernes patungong Anislag, Daraga Bicol.

Good job, GM ED Monreal! Mabuhay ka!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved