Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Cineko Productions, patuloy pa ring magpo-prodyus ng pelikula
Cineko Productions, patuloy pa ring magpo-prodyus ng pelikula

Cineko Productions, patuloy pa ring magpo-prodyus ng pelikula

ILANG pelikula na rin ang nagawa ng Cineko Productions. Ikatlo na yata itong ipinalalabas ngayong The Significant Other na pinag-uusapan dahil sa husay ng mga bidang sina Lovie Poe, Erich Gonzales, at Tom Rodriguez. Pati na ang direksiyon ni Joel Lamangan at shots ng DOP (director of Photography) na si Rain Yamzon II. Pero kabado pa rin ang isa sa producers nito na si Mayor Patrick Meneses ng Bulacan.

READ MORE:  Alessandra at Empoy, ‘di natinag nina Bela at Carlo

Nang makausap namin si Mayor Patrick sa presscon ng The Significant Other, ang tanong niya sa akin eh, kung tutuloy-tuluyin pa ba nila ang pagpo-produce? May kasunod na kasi ang The Significant… ang sequel nga sa Mang Kepweng ni Vhong Navarro.

Ang sabi ko, malamang na panalo ang The Significant… dahil ibang genre naman ito. At bongga naman ang cast, pati direktor.

READ MORE:  Ria, hahasain pang mabuti ni Sylvia

True enough. P4.3-M agad ito sa first day of showing. Kaya maganda na ang ngiti ni Mayor Patrick sa turn out at reaction ng tao sa premiere night ito.

On the homefront, say naman ni Mayor Patrick na friends pa rin sila ng ex na si Ara Mina. Dahil madalas naman niyang nakakasama ang anak nilang si Amanda. At hindi naman naaapektuhan ang pagiging ama niya sa bata.

READ MORE:  First leg ng PPop Boy Groups on Tour, dinumog

Sino nga ba ang ayaw na sila pa rin ang magkabalikan ni Ara sa dulo?

Now, expect more movies from Cineko Productions. Naramdaman na ni Mayor Patrick ang panalo!

HARDTALK
ni Pilar Mateo

COMMENTS

About Pilar Mateo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved