Monday , July 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Andres, bawal pang mag-GF
Andres, bawal pang mag-GF

Andres, bawal pang mag-GF

SA tanong kung single ang binatilyo, ”No, yes!” sabay tingin sa ama na ikinagulat din ni Aga.

Hindi pa ba puwedeng magkaroon ng girlfriend si Andres? ”Hindi naman bawal, I won’t stop kung may crush ka or magkaroon siya ng girlfriend. I’ll never stop that naman. I just had to prepare myself, ha, ha, ha,” paliwanag ni Charlene na inoohan naman ni Aga.

Hirit ng binatilyong anak, ”they know, they’re trying to prepare especially when my dads’ found out.”

“Oh my God!” bulalas ni Charlene. Sa madaling salita, mas mahigpit ang mama ng kambal kaysa daddy nila.

“I don’t know, maybe both,” nakangising sabi ni Andres.

Si Atasha naman ang nakikitaan ng interest sa showbiz dahil, ”acting because it’s more fun and I enjoyed doing the commercials.”

Natawa si Atasha sa tanong kung anong nararamdaman niya kapag napapanood ang lumang pelikula ng magulang.

“It’s heartwarming, it’s nice to watch but sometimes you get really emotional (natawa naman si Charlene sa anak),” saad ng dalagita.

Mahilig sa sports si Atasha at varsity player siya sa school nila ng, ”basketball and football,” aniya.

Kuwento namin sa dalagita na nagmana siya sa ina dahil varsity player din sa basketball noong nasa college pa sa University of Santo Tomas (UST) sa Science department at nakuha nila ang championship title.

“Yes, we competed in Jakarta (Indonesia), Brunei and Hongkong and we won,” nakangiting sabi ng bagets at ang position niya ay, ”pointguard.

“Mom is a very good player, very inspiring,” saad pa ni Atasha.

Hirit ni Charlene, ”mas magaling siya (Atasha) sa akin, ate Reg, pointguard siya sa school.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved