Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kelot tumira ng LSD ‘lumipad’ mula 34/f lumagabog tigok (Gusto ng masarap na ‘sex’)
Kelot tumira ng LSD ‘lumipad’ mula 34/f lumagabog tigok (Gusto ng masarap na ‘sex’)

Kelot tumira ng LSD ‘lumipad’ mula 34/f lumagabog tigok (Gusto ng masarap na ‘sex’)

IMBES pampagana sa sex, nag-feeling Superman ang lalaking call center agent kaya ‘lumipad’ mula ika-34 palapag ng isang gusali sa Mandaluyong City na kanyang ikinamatay nitong Linggo ng gabi.

Sa imbestigasyon ng Mandaluyong police, sinadya umanong tumalon ng call center agent na si alyas “Jake” mula sa gusali makaraan gumamit ng drogang lysergic acid diethylamide (LSD).

Kasama ni Jake ang kaniyang nobyang si alyas “Jessica” nang gamitin ang LSD, na isa umanong uri ng aphrodisiac o pampadagdag ng gana sa pakikipagtalik.

READ MORE:  3 patay, 12 sugatan sa bakbakan sa Marawi

“Sinubukan nilang gumamit ng LSD, parang ‘aphrodisiac’ ito e… ‘pag nasobrahan ka, feeling mo you’re like superman,” ayon kay Senior Supt. Moises Villaceran, hepe ng Mandaluyong police.

Maliit at manipis na papel lang ang hitsura ng LSD, na nagkakahalaga ng P1,000 kada piraso.

READ MORE:  Plunder vs ex-prexy, 3 senators sona-bida (Filing ng P10-B pork case tatalakayin)

Samantala, ikinagulat ng ina ng biktima na gumagamit ng droga ang kaniyang anak.

“Kuwento noong siyota, pino-force daw siyang gumamit, ‘for sex’ daw iyon,” ayon sa ina ni Jake.

Habang sinabi ni “Jessica” na pangalawang beses na nilang gumamit ng LSD.

“Umo-order po siya (Jake)… Sabi ko tigilan na niya,” aniya.

Paliwanag ni Villaceran, sa Facebook umano madalas nangyayari ang transaksiyon sa pagitan ng supplier ng droga at mamimili.

READ MORE:  Palasyo gigitna sa Manila gov’t vs truckers’ group

Ipinadadala umano ang bayad sa pamamagitan ng money transfer service bago ipahahatid sa mga transport network vehicle service driver.

Dahil hitsurang papel, iniipit ang LSD sa libro para hindi mahalata ng tagahatid.

Inaalam ng Mandaluyong police kung sino ang katransaksiyon ng magkasintahan.

HATAW News Team

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved