Monday , July 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Extras / Mahabang balbas bawal sa cycling team sa Belgium
Mahabang balbas bawal sa cycling team sa Belgium

Mahabang balbas bawal sa cycling team sa Belgium

IBINAWAL ng Sport Vlaanderen, isang sports agency sa Belgium, ang pagkakaroon ng mahahabang balbas ng mga atleta sa cycling o namimisikleta para sa “estetika” o pang-itsurang layunin.

Ito’y ayon sa mga pahayag ng direktor ng koponan sa Belga news agency.

Ayon kay Walter Planckaert, ipinatupad ang alituntunin upang mapanatili ang “elegance” o kakisigan ng larong cycling o pami-misikleta.

Hindi umano malinis tingnan sa isang siklista ang pagkakaroon ng mahabang balbas na kinakapitan ng kulangot, uhog o maliliit na tirang pagkain.

Habang pinayagan ang mga bigoteng maninipis para sa mga manlalaro mula sa second-tier professional continental team.

Inabisohan ni Planckaert ang mga ayaw sumunod sa bagong patakaran na lumipat na lang sa ibang sports team.

(Agence France-Presse)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved