Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mga nominado sa 34th Star Awards, inihayag na
Mga nominado sa 34th Star Awards, inihayag na

Mga nominado sa 34th Star Awards, inihayag na

PORMAL nang inilabas ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang opisyal na listahan ng mga nominado para sa ika-34 Star Awards For Movies. Ang Gabi Ng Parangal ay gaganapin sa ika-18 ng Pebrero, 2018, sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila. Magsisilbing hosts sina Judy Ann Santos, Kim Chui, Julia Barretto, Xian Lim, at Enchong Dee, at anchor si Izza Calzado.

Ang mga performer ay kinabibilangan nina Jona, Mark Santos, JBK, Neil Perez, Zeus Collins, Tanner Mata, Jameson Blake, Maris Racal, Loisa Andalio, Grae Fernandez, AC Bonifacio, at Louise delos Reyes.

Ngayong taong ito, ipagkakaloob ang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award kay aktres-direktor Gina Alajar at ang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award ay tatanggapin ni Director Tikoy Aguiluz.

READ MORE:  Vivian Velez, na-challenge sa pelikulang Bendor

Ang PMPC ay isang professional group ng mga active columnist and editor ng iba’t ibang pahayagan, radio showbiz talk shows, online blog sites, etc. Founded in the late 1960’s, ang PMPC ay taon-taong nagbibigay ng honor and recognition sa mga mahuhusay na alagad ng pelikula.

Mula sa pamunuan ni PMPC President Joe Barrameda, mga opisyales at miyembro, ang 34th PMPC Star Awards For Movies ay mula sa produksiyon ng Airtime Marketing Philippines ni Ms. Tess Celestino at sa direksiyon ni Bert de Leon.

READ MORE:  Rayantha Leigh, makakabangga sina Maymay at Kisses

Mapapanood ang kabuuan ng show sa ABS-CBN, sa ika-18 ng Marso, 2018, Linggo, 10:15 to 11:45 a.m., bago mag-ASAP.

Narito ang partial list ng mga nominado para sa iba’t ibang kategorya:

MOVIE OF THE YEAR—100 Tula Para Kay Stella, Ang LarawanDeadma Walking, Kita Kita, Love You To The Stars And Back, Seven Sundays, Siargao, Unexpectedly Yours; MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR—Julius Alfonso (Deadma Walking), Loy Arcenas (Ang Larawan), Sigrid Andrea Bernardo (Kita Kita), Antoinette Jadaone, Love You To The Stars And Back, Jason Paul Laxamana, 100 Tula Para Kay Stella, Cathy Garcia Molina, Seven Sundays, Cathy Garcia Molina, Unexpectedly Yours, Paul Soriano, Siargao.

MOVIE ACTOR OF THE YEAR—Dingdong Dantes, Raymond Francisco, Joshua Garcia, Jojit Lorenzo, Aga Muhlach, Robin Padilla, Piolo Pascual, Derek Ramsay, Jericho Rosales, Vic Sotto; MOVIE ACTRESS OF THE YEAR—Joanna Ampil, Iza Calzado, Kim Chiu, Sharon Cuneta, Alessandra De Rossi, Agot Isidro, Jennylyn Mercado, Bela Padilla, Maja Salvador, at Jodi Sta. Maria.

READ MORE:  Vina kinasuhan ng kidnapping, illegal detention at RA 9262 ang magkapatid na Cedric at Bernice

 

MA at PA
ni Rommel Placente

 

 

 

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved