Thursday , May 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jak, kampante kay Barbie
Jak, kampante kay Barbie

Jak, kampante kay Barbie

HINDI nakakaramdan ng selos si Jak Roberto kahit pa may ginagawang pelikula ngayon ang girlfriend niyang si Barbie Forteza na kapareha ang muntik nang makarelasyon nito noon na si Derrick Monasterio.

Kampante si Jak sa relasyon nila ni Barbie.

Sabi ni Jak, “Never (nagseselos). Nagkatrabaho na rin kami ni Derrick before, kilala ko siya. ‘Yung tungkol sa kanila, ang alam ko nabalita naman ‘yun dati.”

Ayon pa kay Jak, masaya at wala silang itinatago ni Barbie sa kanilang relasyon.

“Happy naman. Ang importante, wala kaming itinatago.”

Ano naman ang nagustuhan niya kay Barbie?

Sagot ni Jak, “’Yung pagiging siya, kung ano siya. Alam ninyo naman si Barbie, masayahin, bubbly.”

Samantala, dahil sa rami ng kanyang showbiz commitments, kaya madalang na lang makapunta sa gym si Jak. Ang ginagawa na lang niya ay ingat siya sa mga kinakain.

“’Pag wala ka talagang time mag-gym, tataba ka kapag kumain ka ng kumain so avoid lang ako sa mga pagkain na nakattaaba,” sabi pa ni Jak.

MA at PA
ni Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved