Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Economic sabotage vs rice cartel banta ni Evasco (Kung hoardings)
Economic sabotage vs rice cartel banta ni Evasco (Kung hoardings)

Economic sabotage vs rice cartel banta ni Evasco (Kung hoardings)

NAGBABALA ang NFA Council sa mga pribadong negosyante na maaari silang maharap sa kasong economic sabotage sa pagtatago ng bigas.

Sa ipinatawag na press briefing  sa Malacañang ni Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco, sinabi niyang may hinala silang nagkaroon ng “hoarding” o pagtatago ng bigas sa malalaking bodega ng mga pribadong rice trader.

“Can you sleep at night when a lot of people don’t have anything to buy and yet you’re hoarding, you are keeping so much?” ani Evasco.

READ MORE:  Preso kinalbo, ginulpi, kinikilan (DSOU gestapo ng QCPD)

Aniya, hindi simpleng criminal liability ang ganitong uri ng ilegal na aktibidad dahil nagreresulta ito sa pagkakait na makabili ng murang bigas ang publiko lalo ang mahihirap.

Giit ni Evasco, maging ang National Food Authority (NFA) ay maaaring sampahan ng kaso ng “dereliction of duty” kung nakitang hindi nito ginagawa ang kanilang mandato.

READ MORE:  Piñol pakainin ng bigas na may bukbok

Kaya inatasan ng konseho ang NFA na maging pro-active sa pagmo-monitor sa malalaking bodega ng mga pribadong rice trader, kasama na ang pagsasagawa ng inspeksiyon at asuntohin ang mapatutunayang sangkot sa hoarding acti-vities.

Matatandaan, nagkaroon ng iringan sina Evasco at NFA Administrator Jason Aquino hinggil sa paraan ng pag-aangkat ng bigas.

READ MORE:  Metro Manila, 37 areas signal no. 1 kay Ompong

Nais ni Aquino na mag-angkat ng bigas sa pamamagitan ng government-to-government (G2G) transaction habang si Evasco ay private rice importation alinsunod sa Minimum Access Volume (MAV) na isasakatuparan ng “eligible importers in good standing and duly registered farmer cooperatives at the Cooperative Development Authority.”

ni ROSE NOVENARIO

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved