Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Pahirap na loan shark sa PNP! (Attn: CPNP DG Bato Dela Rosa)
Pahirap na loan shark sa PNP! (Attn: CPNP DG Bato Dela Rosa)

Pahirap na loan shark sa PNP! (Attn: CPNP DG Bato Dela Rosa)

NAG-IIYAKAN ngayon ang ilang miyembro ng  Philippine National Police (PNP) kaugnay sa mga namamayagpag na loan cooperative na nagkalat sa paligid ng Camp Crame.

Hinaing ng mga lespu, imbes makatulong ang mga naglipanang ‘loan sharks’ na iba’t ibang kooperatiba kuno ay pahirap pa anila sa karamihan dahil mahigit doble ang taas ng tubo cum singil nila sa kanilang mga pulis.

Ang siste, ilan sa biktima ng ganitong sistema ay mga pulis-Maynila na parokyano ng mga kooperatiba cum loan shark gaya ng PUSU, YAMAN AT KABUHAYAN, KAPITBISIG, KOOP NG PULIS AT SUNDALO atbp.

Mantakin n’yo, ang inutang ay P20k pero ang balik sa kanila ay aabot na raw ng P60K?!

READ MORE:  Itutumba sina Satur, Liza, Teddy at Paeng?

Wattafak!?

Ang ilan pa nga raw sa mga 5/6 ‘este ko­operatiba sa paligid ng Crame ay hindi regular kung magkaltas sa kanilang sahod.

Gugulatin ka na lang ng biglang kaltas makalipas ang ilang buwan para nga naman tumagal at lumaki ang interes sa kanila?!

Anak ng tokhang?!

Ang siste, takot silang magreklamo dahil alam nila na ilang PNP high ranking officials ang ‘tongpats’ sa loan sharks?!

At dahil sa itinaas na ang sahod ng mga lespu ay mas masigasig ang mga ‘lending cooperative’ na mag-alok ng kanilang serbisyo.

READ MORE:  PNP tutok sa private armies (Para sa 2019 elections)

Bobolahin pa na bibigyan ng puhunan para makapagnegosyo.

Marami nang pulis ang natukso at nabola sa magagandang offer nila na sa bandang huli ay hanggang langit ang pagsisisi sa laki ng binawi sa kanilang pera.

Sumbong nga ng isa nating kabulabog sa MPD, nanghiram siya ng P70k pero makalipas lang ang ilang buwan ay lumobo sa P140K ang sinisingil sa kanya kahit nagkakaltas sa kanya ng buwanang bayad.

Nagkakaltas sa suweldo nila pero ang in­teres ay patuloy na nanganganak?!

Sonabagan!

Imbes makatulong at makaginhawa sa kanya ang inutang na pera ay lalo siyang nalubog sa utang.

READ MORE:  Relasyon ni VP Leni at kongresistang BF huwag nang itago-tago (Kung talagang nagmamahalan)

C/PNP DG Bato dela Rosa sir, alam po natin na kapakanan ng nakararaming pulis ang inyong prayoridad kaya sana bago kayo lumayas ‘este umalis ng PNP ay maayos ninyo ang mga gahaman ‘este kooperatiba na lalong nagpa­pahirap sa mga pulis.

Talo pa ang mga linta kung ‘sumipsip ng dugo’ ng mga pulis!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved