Wednesday , May 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Kagutuman napansin na ng Palasyo
Kagutuman napansin na ng Palasyo

Kagutuman napansin na ng Palasyo

MISMONG ang Malacañang ay nangangamba na rin sa gutom na nararanasan ng iba nating mga kababayan.

At sa estadistika, lumaki ng bilang ng mga nakararanas ng involuntary hunger noong  Disyembre 2017.

Ayon sa Social Weather Station (SWS) tinatayang 3.6 milyong pamilyang Filipino ang nakaranas ng kagutuman nitong nakaraang Disyembre.

Nabatid din sa SWS survey, na isinagawa nong 8-16 Disyembre, 15.9 percent ng mga respondent ay nagsabing nakararanas sila ng gutom.

Noong Setyembre, umabot sa 4.1 puntos na mas mataas sa 11.8% puntos o 2.7 milyong pa­milya.

Ayon kay Presidential spokesperson, Secretary Harry Roque, mahigpit na nagtatrabaho ang gobyerno para tulungan ang mga mamamayan.

“We’re expanding economic opportunities in agriculture, forestry, fishery sector to address the challenges of food security, while im­proving our people’s income earning ability, enhancing workers’ employability through Tesda’s skills upgrade program.”

Bukod sa mga nabanggit ni Roque, ang administrasyon umano ay nakapagbibigay ng educational, livelihood at health assistance sa mahihirap at marginalized sectors, at social pension para sa senior citizens at iba pang indigent.

Naglulunsad din umano ng supplementary feeding program para sa mahihirap na estu­dyante.

Sabi ng SWS ang kagutuman ay umabot sa 14.7 percent (457,000 pamilya) sa Metro Manila nitong Disyembre mula 11.7% (364,000 fa­milies); 17.7 % (1.8 million families) mula sa 13.8 (1.4 million) percent sa Luzon; 13.3 percent (589,000 families) mula 9.7 percent (427,000 families) sa Visayas; at 15.3 percent (802,000 families) mula 9.7 percent (506,000 families) sa Mindanao.

Sa mga estadistikang nabanggit sa itaas, ano ang magiging hakbang ng palasyo upang tugunan ang kagutuman na nararanasan ng ating mga kababayan?!

Sana ay hindi lang sa press briefing sa Malacañang nasasagot ang mga tanong na ito.

Maging totoo sana ang mga kasagutan paglabas  sa  Palasyo ng mga kinauukulang opisyal.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved