Sunday , February 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 drug pusher patay sa P90-K buy-bust sa QC
2 drug pusher patay sa P90-K buy-bust sa QC

2 drug pusher patay sa P90-K buy-bust sa QC

PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station 6 sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lungsod, kahapon ng madaling-araw. Sa ulat kay QCPD director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga napatay na sina alyas Abisat alyas Jom-Jom. Ayon kay Supt. Rossel Cejas, hepe ng QCPD-PS 6, dakong 3:30 am nang mangyari ang insidente sa panulukan ng Bulacan St. at Payatas Road, Brgy. Payatas.

Nauna rito, dakong 3:10 am, ikinasa ang buy-bust operation laban sa mga suspek ngunit sila ay nakatakas.

Dakong 3:30 am, naispatan ang mga suspek sa Manahan Subdivision, Group 5, Brgy. Payatas na humantong sa palitan ng putok at nagresulta sa kanilang pagkamatay. Nakuha mula sa mga suspek ang siyam  sachet ng shabu, tinatayang P90,000 ang street value. (ALMAR DANGUILAN)

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved