Friday , May 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Juday at Angelica, patok ang tandem sa Ang Dalawang Mrs. Reyes!
Juday at Angelica, patok ang tandem  sa Ang Dalawang Mrs. Reyes!

Juday at Angelica, patok ang tandem sa Ang Dalawang Mrs. Reyes!

SOBRA kaming nagandahan at nag-enjoy sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes na tinatampukan nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban. Parang mga beteranang komedyana ang mga bida rito na naghatid ng grabeng laugh trip ngunit may sipa rin ng dramang timpladong-timplado lang, pero sapat para paiyakin naman ang mga manonood.

Showing na ngayon ang Ang Dalawang Mrs. Reyes na graded-A ng Cinema Evaluation Board. Ito’y pinamahalaan ni Direk Jun Robles Lana mula Star Cinema, Quantum Films, at The IdeaFirst Company.

Madalang nakikita si Juday na nagpapakuwela sa pelikula, dahil kadalasan ay tearjerker ang mga pelikula niya. Pero rito ay pinatunayan ni Juday na hindi lang siya sa drama magaling, na kayang-kaya rin niyang sumabak kahit sa comedy. Isa pang mahusay talaga ay si Angelica na gamay na gamay na ang comedy. Pero ang mapapansin sa movie ay tandem nila ni Juday dahil maganda ang rapport ng dalawa kaya naging effective ang kanilang mga pakuwela sa movie.

Kaya naman masaya si direk Perci Intalan sa reaction ng press na nakapanood sa special screening nito sa Gateway Platinum Cinema. “Narinig ko pa lang ang reaction at tawanan ng mga press sa panonood ng movie, sobrang happy na ako,” saad ni direk Perci na isa sa bossing sa The IdeaFirst Company.

Saad niya, “Ang galing-galing dito nina Juday at Angelica. Si Juday, drama man o comedy, grabe siya, super-galing. Iyong luha ni Juday, parang umaagos lang pero iba, hindi iyong parang sa soap na todo-todo. Iyan siguro ‘yung nagagawa na mula bata ka pa ay artista ka na.

“Si Angge naman, alam na natin na magaling siya sa comedy, ang difference naman kay Angge, tahimik lang sa set, pero kapag take na, all out na siya. Pareho rin, magaling siya sa comedy at drama, kasi ay marami na rin siyang pinagdaanan,” nakatawang wika ni Direk Perci.

Bagay na bagay nga sina Juday at Angelica sa kanilang papel dito na mga misis na niloko at ipinagpalit ng kanilang mga mister sa iba. Ang kaso, hindi sa ibang babae kundi sa ibang lalaki. Gay nga kasi si Joross Gamboa rito na asawa ni Juday na isang matagumpay na cosmetic surgeon sa naturang pelikula. Nagkaroon ng affair kay JC de Vera na asawa naman ni Angelica.

Kasama rin sa pelikula na nagbigay ng magandang performance sina Carmi Martin, Nico Antonio, Gladys Reyes, Andrea Brillantes, Quark Henares, at iba pa.

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved