Monday , May 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Roselle Monteverde, naiyak sa Mama’s Girl
Roselle Monteverde, naiyak sa Mama’s Girl

Roselle Monteverde, naiyak sa Mama’s Girl

NAPANOOD na namin ang Mama’s Girl sa  premiere night nito na dumalo ang buong cast  na sina Sylvia Sanchez, Sofia Andres, Diego Loyzaga, Jameson Blake, Yana Asistio, Heaven Peralejo, Karen Reyes atbp..

Maraming matututuhan sa pelikulang ito pagdating sa positive values na tumatalakay sa passion, commitment, forgiveness, acceptance, at love. Magsisilbing inspirasyon ito sa mga moviegoer lalo’t maayos ang kuwento at pagkakagawa ni Direk  Connie Macatuno.

May malaking twist sa pelikula na maiiyak ka. Hindi na namin idedetalye pero ang  eksenang ito ay may kinalaman sa pagpapatawad.

Todo bigay din si Sylvia sa eksenang nahuli niya si Sofia na pinapasok sa kuwarto niya ang kanyang boyfriend.

Samantala,  hindi rin iba ang Regal Producer na si Roselle Monteverde sa mga netizen na naiyak sa Mama’s Girl dahil mismong siya ay naging emosyonal.

I am so touched as a mother and the scenes were so realistic. Surely, it will affect all mothers, daughters, and millennials. Proud to have produced it. Very aspirational. The journey of the characters are relatable,” deklara ni Ms. Roselle.

Magulang man o anak, millennials at may edad ay excited na mapanood ang Mama’s Girl base na rin sa mga comment at reaksiyon nila sa social media.

Pak!

TALBOG!
ni Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved