Friday , January 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Grade 9 pupil malubha sa saksak
Grade 9 pupil  malubha sa saksak

Grade 9 pupil malubha sa saksak

MALUBHANG nasugatan ang isang 14-anyos grade 9 pupil makaraan dalawang beses saksakin ng hindi kilalang suspek sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang biktimang si Janwell Camaño, residente sa Brgy. San Agustin, sanhi ng da-lawang saksak sa likod.

Ayon sa imbestigas-yon ni PO2 Diana Palmones, dakong 7:50 pm nang maganap ang insidente sa Matahong St., Brgy. San Agustin.

Kumakanta ang isa sa mga kaibigan ng biktima na si Jesnel habang naglalakad kasama ang iba pa sa naturang lugar nang madaanan nila ang suspek na nagalit sabay nagpahayag ng katagang “Ang angas n’yo ha!”

Nilapitan ng grupo ng biktima ang suspek at hinamon ng suntukan ngunit sinaksak ang biktima nang dalawang beses sa likod at pagkaraan ay tumakas.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved