Friday , April 26 2024

Angelo Palmones, pinalitan ang morning slot ni Joe Taruc sa DZRH

PINAKAMATANDANG radio station sa ‘Pinas ang DZRH at ang kanilang FM flagship station na Love Radio ang kasalukuyang #1 station sa FM radio ratings sa Metro Manila at several key cities. Nangunguna ang DZRH sa AM ratings charts sa loob ng maraming taon dahil sa pagbibigay ng tama at sariwang mga balita. Ang DZRH ay pinatatakbo ng Elizalde family ng Manila Broadcasting Company na ang opisina ay matatagpuan sa may Star City.

Isa sa maipagmamalaki ng DZRH’s ay ang award-winning broadcaster (KBP Broadcaster of the Year 2014 and Golden Dove Awards Best Newscaster for several times) na si Mr. Angelo Palmones.

Kuya Angel, kung tawagin ng mga kaibigan at kasamahan niya, ay isang topnotch newsman na bago narating ang kasalukuyang kinalalagyan ay nagdaan muna sa ibaba. Naging DZMM’s station manager siya sa loob ng maraming taon bago siya nagretio nang tumakbo sa isang public office, bilang isang Kongresista sa ilalim ng Agham Party List. Pagkaraan nito, nagbalik siya sa news broadcasting, ang tunay niyang mahal, at ito ay sa DZRH.

Kaya naman noong Enero 8, nagsimula ang kanyang radio show na RH Balita (5:00-7:00 a.m. Monday-Friday) kasama si Henry Uri. Ang RH Balita ay isang news and public affairs program na napakikinggan din sa  Radyo Natin FM nationwide. Mapakikinggan dito ang mga 1) special report sa mga maiinit na kaganapan sa araw na iyon; 2) provincial round-up mula sa mga reporter na nakakalat sa buong bansa sa pamamagitan ng Radyo Natin network na may 100 stations sa Luzon, Visayas, at Mindanao; 3) Mahiwagang Tunog with P1k/day na kailangang maibigay ng mga tagapakinig ang tamang kasagutan. Isa sa nagwagi nito ay isang bulag na pinapag-aral ang anak sa kolehiyo. Twist of the Mahiwagang Tunog ay ang clue sa araw na iyo kung paano naipo-prodyus iyon.

At simula Lunes hanggang Biyernes, papalitan na ni Palmones ang dating morning slot ni Joe Taruc, ang 7:00-7:30 a.m., ang Pangunahing Balita kasama ang broadcast veteran na si Deo Macalma, ang Mayor ng Star City.

Hindi itinanggi ni Palmones na malaking challenge para sa kanya na palitan ang timeslot ni Taruc. ”These are very big shoes to fill. Dr, Joe Taruc is an icon. It’s a very challenging opportunity to be on his seat!”, giit ni Palmores na itanggi man niya ay isa rin siyang yaman ng broadcast industry.

ALJUR,
IPINAGDARASAL
NA MAGING CLOSE
SILA NI ROBIN

HINDI nakasama si Aljur Abrenica nang magkita ang mag-lolong Alas Joaquin at Robin Padilla noong Disyembre.

Kaya naman sa presscon ng pinakabagong teleserye nila, ang Asintado na pinagbibidahan ni Julia Montes kasama sina Shaina Magdayao at Paulo Avelino, natanong ito ukol sa kanilang relasyon ni Binoe.

Ani Aljur, importanteng magkita at magkasama ang mag-lolo at kaya hindi siya nakasama sa okasyong iyon ay dahil tumutulong siya sa Batangas dahil magho-holiday.

“Masaya siyempre, nagkasama-sama sila,” ani Aljur na magiging karibal ni Paulo kay Julia at gagampanan ang papel ni Xander.”Kasi ang unang nakasama ni Alas ‘yung family side ko eh. Nakita ko ‘yung happiness ng parents ko.

“Noong nakita ko ‘yun at noong naramdaman ko ‘yun, gusto ko rin na maramdaman ni Kylie ‘yun. So noong nagkita-kita sila eh masaya ako.”

Ukol naman sa status nila ngayon ni Robin, sinabi ni Aljur na, ”Okey naman. Hopeful ako na lahat ng makabubuti sa anak ko mangyari.”

Ipinagdarasal din ni Aljur na darating din ang tamang panahon para maging close sila ng tatay ni Kylie Padilla.

Sa Asintado, muling mapapasabak si Aljur sa drama at action sa bagong handog na ito ng Dreamscape Entertainment.

“Suwerte talaga sa akin ‘yung anak ko. Hindi lang para sa akin. Sa lahat ng tatay ito, eh. Ang mga bagong tatay, gagawin lahat para maibigay mo lahat sa anak mo,” giit pa ni Aljur.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *