Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Tambay bawal sa Jones Bridge (Habang may Traslacion)

Tambay bawal sa Jones Bridge (Habang may Traslacion)

IPAGBABAWAL sa mga deboto ang pagtambay sa Jones Bridge sa Maynila upang hintayin ang pagdaan doon ng Itim na Nazareno sa “Traslacion” ngayong Martes, pahayag ng isang opisyal nitong Linggo.

“Kaya naman niyang (tulay) i-withstand ang weight ng mga tao. Pero ngayon, mayroon tayong binagong regulation — na walang mag-iistambay. Puwedeng daanan, pero walang istambay muna doon sa bridge,” ayon kay Johnny Yu, director ng city disaster office.

READ MORE:  7 patay sa barilan sa Rosario, Cavite
NAPUNO ng mga deboto ang malapad na Jones Bridge na nag-uugnay sa Intramuros at Binondo nang idaan dito ang translacion ng milagrosong Poong Jesus Nazareno dakong 2:30 ng hapon, noong nakaraang taon. (BONG SON)

“Ang mangyayari, bago dumating ang andas, wala nang nakais-tambay sa bridge. Pagdaan ng andas, saka nila bubuksan iyan para tuloy-tuloy ang takbo ng andas,” dagdag niya.

READ MORE:  De Lima may death threats (Seguridad tiniyak ng palasyo)
READ MORE:  Beauty queen, 16, dinukot itinapon sa Sorsogon

Bukas, Martes, idaraos ang prusisyon ng Itim na Nazareno mula Quirino Grandstand patungong Quiapo Church.

Nakapuwesto na ang 26 medical stations sa ruta ng Traslacion, ayon kay Yu.

Aniya, nasa 500 deboto ang nakararanas ng heat stroke, pagod at stress sa prusisyon kada taon

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved