Monday , October 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / KimXi, happy sa bakasyon sa Denmark at Finland
KimXi, happy sa bakasyon  sa Denmark  at Finland

KimXi, happy sa bakasyon sa Denmark at Finland

HABANG masayang nagbabakasyon sina Kim Chiu at Xian Lim sa Denmark at Finland, bitter naman ang mga basher sa social media. Sila ang maligalig at hindi happy sa KimXi.

Pinagbibintangan tuloy na ilan doon ay Kimerald dahil gusto nila ay si Gerald Anderson pa rin ang kasama ni Kim.

Hello, may kanya-kanyang life na ang dalawa kahit magkasama sila sa isang serye. Balita nga rin na nagbakasyon din sina Gerald at Bea Alonzo sa US.

READ MORE:  Soundtrack album ng The Better Half, nakaka-LSS

Big deal sa netizens kung BF-GF ba o BFF lang ang bakasyon nina Kim at Xian dahil wala pang direktang pag-amin sa dalawa.

Pero sagot naman ng isa, kung BFF lang, mas pipiliin mo bang makasama ito out of the country instead na family sa araw ng Pasko at New Year? Kung BFF lang ay puwede namang kumain lang sa labas.

May basher din na nagsabing pilit ang relasyon ng KimXi for the sake ng career nila at nagpapapansin.

READ MORE:  Makisaya sa Gandang Ricky Reyes ngayong bakasyon

Aba, kung gagawin ‘yan ng KimXi ‘di dapat noon pa at todo sweet sa mga post nila sa kanilang social media account.

“Ang expensive naman na pilitan na ‘yan. European vacay pilitan?,” pakli naman ng isang nagmamalasakit sa KimXi.

‘Wag magmaasim sa bakasyon nina Kim at Xian dahil minsan lang ‘yan at lagi silang pagod sa work nila. ‘Wag din makialam sa vacation nila dahil galing ‘yan sa pinagpaguran nila.

READ MORE:  Ginuman Fest 2014 aarangkada sa Tondo, Manila

Dapat happy na lang habang chill ang KimXi at walang ka-effort-effort.

“Kita ko ang sincerity ng love ng dalawa. Bakit ba hirap kayo maging happy for them?,” saad pa ng isang netizen.

Memorable ang bakasyon ng KimXi dahil after Denmark ay dumiretso sila sa Finland na tiningnan nila ang Northern Lights. Binisita rin nila si Santa Claus sa Santa Claus Village.

Pak!

TALBOG
ni Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved