Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coco naglibot sa mga palengke; nag-motorcade sa Kamaynilaan
Coco naglibot sa mga palengke; nag-motorcade sa Kamaynilaan

Coco naglibot sa mga palengke; nag-motorcade sa Kamaynilaan

MAAGANG nagpasalamat si Coco Martin noong Sabado dahil tinungo niya ang Nepa Q Mart, Balintawak, at Munoz market.

Wala pang tulog si Coco noong Sabado ng umaga (galing sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano) pero sige siya sa pagkaway, pagkamay, pakiki-selfie, at pagbibigay ng Ang Panday merchandise sa mga taong sumalubong sa kanya.

Nais ni Coco na maihatid niya ang Pamaskong handog niya, ang Ang Panday,isa sa entry ng Metro Manila Film Festival na mapapanood na simula Disyembre 25 handog ng CCM Productions, Star Cinema, at Viva Films.

READ MORE:  Michael V., ayaw patali sa isang network

Mainit na sinalubong ng mga taong nasa Nepa Q Mart, Balintawak, at Munoz Market si Coco na halos hindi mahulugang karayom dahil grabe ang init ng pagtanggap ng mga tao roon. Tila nakakikilabot ang kanilang nakikita dahil parang si FPJ si Coco.

READ MORE:  Jen, 2 yrs. ng walang BF, pero lalong sumeseksi at gumaganda

Pagdating ng hapon, nagtungo naman siya ng Solenad Nuvali na naghandog si Coco at mga kasamahan niyang artista sa Ang Panday tulad nina Jake, Awra, McLisse at iba pa ng napakagandang show. Muli, maraming tao ang nanood.

Kinaumagahan, Linggo, muling umarangkada si Coco at mga kasamahan para sa isang motorcade. Tinungo nila ang mga lugar sa Maynila tulad ng Binondo, Divisoria, Baclaran, at iba pa.

READ MORE:  KZ, best interpreter sa Himig Handog!

Nakita namin kung gaano karami ang taong sumaksi sa motorcade at palengke tour ni Coco. Napuno ang mga overpass, hagdanan tungo sa LRT, at mga kalye na nagkakatrapik-trapik dahil sa kagustuhang makamayan at makausap ang actor.

Nagtungo rin kahapon ang Ang Panday cast para sa kanilang nationwide tour sa VistaMall Taguig, SM Bicutan, at StarMall Alabang.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved