Sunday , April 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pro-ISIS, pro-NPA sa Mindanao dudurugin (Sa 1-year martial law extension)
Pro-ISIS, pro-NPA sa Mindanao dudurugin (Sa 1-year martial law extension)

Pro-ISIS, pro-NPA sa Mindanao dudurugin (Sa 1-year martial law extension)

TARGET ng administrasyong Duterte na durugin ang lahat ng teroristang grupo na nagkukuta sa Mindanao sa loob ng dagdag na isang taong implementasyon ng batas militar.

Sa kanyang liham kina Senate President Aquilino Pimentel III at Speaker Pantaleon Alvarez, sinabi ni Duterte, inirekomenda ni martial law administrator at Defense Secretary Delfin Lorenzana na palawigin nang isang taon ang umiiral na martial law sa Mindanao upang matiyak ang ganap na pagdurog sa “DAESH-inspired Da’awatul Islamiyah Waliyatul Masriq (DIWM), other like-minded local and foreign terror groups and armed lawless groups, the communist terrorists and their coddlers, supporters, and financiers.”

Nais ni Duterte na umiral hanggang 31 Disyembre 2018 ang martial law pati ang suspensiyon ng pribilehiyo sa writ of habeas corpus, base sa security assessment ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ebalwasyon ng Philippine National Police (PNP).

“Public safety indubitably requires such further extension, not only for the sake of security and public order, but more importantly to enable the go­vernment and the people of Mindanao to pursue the bigger task of rehabilitation and the promotion of a stable socio-economic growth and development,” anang Pangulo.

(ROSE NOVENARIO)

ABU TURAIFIE
BAGONG ISIS EMIR
SA SOUTHEAST ASIA

NA-MONITOR ng militar ang balak na pambobo-bomba sa Cotabato ng Turaifie Group, anang Pangulo sa kanyang li­ham.

Si Abu Turaifie, ani­ya, ang pinaniniwalaang pumalit kay Isnilon Hapilon bilang ISIS emir sa Southeast Asia.

Batay sa ulat, si Sheikh Esmail Abdulmalik alyas Abu Turaifie, ay itinawalag sa Bangsa-moro Islamic Freedom Fighter (BIFF) makaraan direktang makipag-ugnayan  sa ISIS.

Itinatag ni Turaifie ang Jamaatul Muhaajireen Wal Ansar na sumusuporta sa ISIS.

Sinabi ni Pangulong Duterte, nagre-recruit ng mga miyembro ang remnants ng Maute Group at nagsasanay sa ilang bahagi ng Maguindanao, North Cotabato, Sulu at Basilan sa layuning magtatag ng “wilayat” o sa-riling estado sa Filipinas at sa Timog Silangang ASya.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved