Friday , April 26 2024

Sports director 1 pa patay, 26 sugatan (Bus nahulog sa kanal)

SAN JOSE, Occidental Mindoro – Patay ang isang sports director at isa pa habang 26 ang sugatan nang mahulog ang isang pampasaherong bus sa malalim na kanal sa gilid ng kalsada sa bayang ito, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang namatay na sina Elmer Decillo, 61, sports director ng Rizal University System of Morong, Rizal, at Jonathan Penada, 51-anyos.

Ayon sa ulat ng pu-lisya, lulan ng bus ang 44 estudyanteng atleta at staff ng Rizal University System.

Patungo sila sa San Jose para dumalo sa Southern Tagalog Regional Association of State Universities and Colleges (STRASUC) Olympics.

Ngunit pumalya ang preno ng bus sa bahagi ng Sitio Bunga, Brgy. Nicolas dakong 6:30 pm, hanggang mahulog ang nasabing bus sa malalim na kanal sa gilid ng kalsada.

 

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *