Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagbubuntis ni KC, pinabulaanan ni Garie
Pagbubuntis  ni KC, pinabulaanan ni Garie

Pagbubuntis ni KC, pinabulaanan ni Garie

NAKAUSAP namin si Garie Concepcion sa ABS-CBN. Napapanood siya ngayon sa La Luna Sangre. Balitang magkakaroon ito ng book 2 kaya nagdarasal din ito na hindi mamatay ang character niya.

Happy at contented naman si Garie sa lovelife niya sa piling ng boyfriend niyang si Michael Pangilinan.

READ MORE:  Fashion designer, nag-pay ng P30K, maka-date lang ang baguhang actor

Isang formula na nagtatagal ang relasyon nila ay tahimik lang at hindi nagpo-post sa social media.

Pero itinanggi niyang magpapakasal na sila. Ngayon pa lang siya nag-i-enjoy sa career niya. Mauna muna ang ate niyang si KC Concepcion.

“Si Ate, siya talaga ang dapat mauna. Hahaha,” sambit pa niya.

READ MORE:  Andre, walang katawang maipagmamalaki (dahil mahilig kumain)

Mariin din niyang itinanggi na buntis umano si KC sa boyfriend niyang si Aly Borromeo. Happy lang si KC sa personal moment niya.

Anyway, boto ba ang ama niyang si Gabby Concepcion kay Michael? Hindi niya masagot dahil wala pang oras na ipakilala niya sa isa’t isa sina Michael at Gabby.

READ MORE:  Network gay, tinatarget ang isang poging male model

May isang insidente na lumapit si Michael kay Gabby at nagpakilala noong magkita sila sa isang event. Na-appreciate naman ang ginawa ni Michael pero huli na nang ma-realize ni Gabby na boyfriend pala ‘yun ng anak niya.

Ha! ha! ha!

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved