Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Lider ng hold-up group arestado
Lider ng hold-up group arestado

Lider ng hold-up group arestado

SWAK sa hoyo ang isang hinihinalang lider ng robbery-holdup group na bumibiktima ng mga pasahero sa C-3 Road makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) director, Chief Supt. Amando Empiso ang arestadong suspek na si Kenneth Yanga, 20, ng Block 13, Pamasawata, C-3 Road, Brgy. 28, ng nabanggit na lungsod.

READ MORE:  Palasyo ‘di natinag sa SC order sa Arroyo case

Ang suspek ay positibong kinilala ng mga biktimang sina Eugene Norona, 29, at Mark Tabuena, 17, kapwa ng Brgy. Longos, Malabon City, bilang lider umano ng grupo ng mga lalaking nangholdap sa mga pasaherong naghihintay ng masasakyan sa C-3 Road ng nabanggit na lungsod.

READ MORE:  Driver napuruhan sa salpukan ng motorsiklo at pedestrian

Ayon sa ulat ni DSOU head, Senior Insp. Robert Bunayog, dakong 5:00 pm hinoldap ng mga suspek ang mga biktima ngunit napansin sila ni PO3 Erneso Estrella ng District Special Operations Unit (DSOU) na napadaan sa lugar.

READ MORE:  Ulo ng 6-anyos totoy biyak sa poste ng volleyball net

Nakipagpalitan ng putok ang mga suspek kay PO3 Estrella at pagkaraan ay tumakas.

Gayonman, sa follow-up operation ay arestado ng mga awtoridad ang suspek habang pinaghahanap ang kanyang mga kasamahan.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved