Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 gabinete ni Aquino inilagay sa BI lookout (Sa right of way scam)
2 gabinete ni Aquino  inilagay sa BI lookout (Sa right of way scam)

2 gabinete ni Aquino inilagay sa BI lookout (Sa right of way scam)

NAG-ISYU ang Department of Justice ng Immigration lookout bulletin order laban kay dating budget secretary Florencio Abad at dating public works chief Rogelio Singson kaugnay sa pagkakasangkot sa P8.7 bilyon roadway anomaly.

Sa nasabing scam, pinangunahan ng isang sindikato na nag-o-ope-rate noon pang 2009, gumamit umano ng bogus land titles sa paghingi sa gobyerno ng “right of way payment” para sa mga lugar na maaapektohan ng konstruskiyon ng national highway  sa Gene-ral Santos City, pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

READ MORE:  MNLF Misuari faction kinasuhan sa Zambo

Inaprubahan umano ni Abad ang “release of payment” para sa nasa-bing “right of way claims” na ini-request ni Singson, ayon kay Aguirre.

READ MORE:  Oplan Galugad vs illegal gambling ikinasa ng MPD

Sa press conference nitong Lunes, sinabi ni Aguirre, inaprubahan niya ang ILBO para sa dalawang miyembro ng Aquino Cabinet at 41 iba pa.

READ MORE:  Bail appeal ni GMA ibinasura

Iniharap din ng justice secretary sa media si Roberto Catapang, Jr., ang testigo hinggil sa sinasa-bing multi-billion peso anomaly.

Kasabay nito, iniutos ni Aguirre sa NBI na im-bestigahan ang scam kung naapektohan nito ang iba pang bahagi ng bansa.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved