Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Kailan didisiplinahin ni BI Chief Morente ang 2 BI-CTR staff!?
Kailan didisiplinahin ni BI Chief Morente ang 2 BI-CTR staff!?

Kailan didisiplinahin ni BI Chief Morente ang 2 BI-CTR staff!?

MARAMI ang sumegunda at natuwa matapos natin ‘pitikin’ noong nakaraang issue ang ilan sa mga empleyado ng BI-Center for Training and Research (CTR).

Very precise raw ang ating ulat tungkol kina Ms. Cangcungan ‘este Cabacungan at isang nagngangalang “Gerry” na sakit ngayon ng ulo ng kagawaran!

Sana raw ay maaksiyonan ni Commissioner Morente ang trabaho ng dalawang ‘yan at tuluyan nang ilipat ng opisina!

Wala raw kasi inatupag ang mga hinayupak kundi puro pagkakakitaan at hindi kung ano talaga ang kanilang mga trabaho?!

READ MORE:  The boat of Liberal Party is sinking…

Susmaryosep!

Nakapagtataka nga raw at alam naman nila kung gaano ka-straight ang kanilang bossing na si RPL na galit daw sa “fixers?”

Sus talaga lang ha?!!

Galit ba talaga sa fixers?!

I don’t think so!

Kasi kung talagang galit ‘yan e ‘di sana mortal enemies na sila nina Betty Chowchow at Anna Seng-hot na mga BFFs nila ngayon!

Tanong din ng concerned BI employees, totoo raw ba na may service vehicle na isang “Hi-Ace Grandia” si Ms. Cangcungan ‘este’ Cabacungan considering na “JO” lang siya?

READ MORE:  Tax paid pero ‘temporary’ lang ang Mayor’s Permit sa Maynila

Kasuwerte naman talaga ni ateh!

Well, ‘yun ang malinaw na kuwento ng isang watch your car boy sa labas ng BI main office.

Ano naman ang mapapala niya kung siya ay magsisinungaling?

May katuwiran!

Kaiba rin daw ‘yang si “Gerry” dahil minsan daw ay sinita ang isang empleyado na nag-assist sa isang bisita na nagkataong manugang pala ni Presidente Duterte.

READ MORE:  Viral na tigas ng ulo ng ilang motorista huwag gayahin

Sonabagan!

Paktay kang bata ka!

Kulang ka pala sa orientation bata!

Dapat marunong ka kumilatis ng bisita at ‘BWISITA!’

Buti at ‘di ka ‘natokhang’ diyan!

Commissioner Bong Morente baka gusto ninyong kalusin ang dalawang ‘yan kaysa naman diyan pa kayo mabulilyaso!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved