Monday , June 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Payo ng PNP sa publiko: Undas travel plans huwag ilantad sa social media

Payo ng PNP sa publiko: Undas travel plans huwag ilantad sa social media

HINIKAYAT ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na iwasang i-post ang kanilang planong pagbiyahe sa social media, lalo ngayong paggunita sa Undas.

Ayon sa PNP, ang travel post sa social media site ay tila imbitas-yon sa mga magnanakaw para looban ang mga bahay habang wala ang mga residente roon.

Hinikayat din ng PNP ang publiko na tiyaking maayos na naka-lock ang mga pintuan bago umalis ng kanilang bahay.

Kung kinakailangan, hilingin sa mga kapitbahay na i-monitor ang kanilang bahay habang walang tao.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved