Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Produktong Krystall kaagapay sa mahusay na kalusugan
Produktong Krystall kaagapay sa mahusay  na kalusugan

Produktong Krystall kaagapay sa mahusay na kalusugan

Dear Sis Fely Guy Ong,

Magandang araw po. Ako po si Luzviminda Insigne, 78 years old. Nais ko lang pong ikuwento ‘yung aking patotoo tungkol sa paggamit ko ng Krystall Herbal Oil at Krystall Yellow Tablet.

Naglalakad po ako minsan, at bigla na lang akong pinagpawisan nang malamig. Sumakit rin ang aking puson. Binilisan ko ang paglalakad para makauwi na agad. Pagdating sa bahay, uminom po ako agad ng dalawang Krystall Yellow Tablets at naghaplos ng Krystall Herbal Oil.

Awa ng Diyos, nahimasmasan ako at gumaling agad ang aking pakiramdam. Buti na lang at guminhawa ang pakiramdam ko dahil sa mga Krystall na produkto, kasi mag-isa lang ako sa bahay, walang kasama.

Minsan naman, nakatulog ako na naiwan ang umaandar na electric fan at ako’y nahanginan. Sumama ang aking pakiramdam. Hinap-losan ko agad ang sarili ko ng Krystall Herbal Oil. Gumaling na agad ako pagkahaplos ko.

Maraming salamat po dahil sa tulong ng mga produktong Krystall ay maigi ang aking kalusugan.

Nagpapasalamat,
LUZVIMINDA INSIGNE

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

COMMENTS
READ MORE:  Feng Shui bed room tips

About Fely Guy Ong

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved