Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ipe, ‘di totoong naging instant millionaire, Spanish-looking Pinoy ang totoong nanalo
Ipe, ‘di totoong naging instant millionaire, Spanish-looking Pinoy ang totoong nanalo

Ipe, ‘di totoong naging instant millionaire, Spanish-looking Pinoy ang totoong nanalo

ISANG kasama sa panulat ang nagsulat (hindi rito sa Hataw) na sunod-sunod daw ang suwerteng tinatamasa ngayon ni Phillip Salvador. Weeks ago kasi, nasungkit ng kanyang asawang si Ate Emma Ledesma ang jackpot prize sa Solaire Hotel & Casino na umabot sa P29-M. Ilang araw pagkatapos niyon ay si Kuya Ipe naman ang nag-uwi ng P35.4-M.

Inalam namin kung totoo ang nalathalang item. It turned out na fake news ‘yon.

READ MORE:  Bb. Pilipinas 2014 candidates, ipinakilala na!

Isang source na suki ng nasabing casino ang nagsabi sa amin na isang Spanish-looking Pinoy businessman ang tunay na nanalo ng tumataginting na halaga.

Kung paanong napagkamalang si Kuya Ipe ‘yon ay ganito. Bandang bago makapananghali ng isang nagdaang Sunday nang nagkakagulo sa isang bahagi ng casino. Inimbestigahan ‘yon ng aming source who had to come down from his hotel room.

READ MORE:  100 Tula Para Kay Stella, istorya ng bawat isa sa atin

Yes, naroon nga ng mga sandaling ‘yon si Kuya Ipe pero yakap-yakap niya ang totoong naging instant multi-millionaire, palibhasa’y magkakilala naman sila.

Sey ng aming source, ”Juice ko, makalulusot ba sa akin kunwaring si Kuya Ipe ang nakagetlak ng jackpot prize? Huwag na sa akin, ‘yun na lang mga utaw sa loob ng casino!”

READ MORE:  Kim, nag-aaral magluto para sa future family

Oo nga naman, hindi maaaring ilihim doon kung sinuman ang sinusuwerte (o minamalas) sa bawat gabi ng pakikipagsapalaran. For sure, isa lang ang dayalog ni Kuya Ipe na natsitsismis na nagwagi ng milyon-milyong pisong jackpot prize, ”Wish ko lang!” 

HOT AW!
ni Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved