Tuesday , November 21 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kean, pinalitan na ni Bayani sa I Can See Your Voice?
Kean, pinalitan na ni Bayani sa I Can See Your Voice?

Kean, pinalitan na ni Bayani sa I Can See Your Voice?

DAHIL kaya laging wala si Kean Cipriano kaya nagdagdag ng Sing-vestigators ang mystery music game show na I Can See Your Voice na napapanood tuwing Sabado at Linggo ng gabi?

Sa launching kasi ng bagong game show ni Luis Manzano ay limang sing-vestigators lang ang present sa taping, sina Angeline Quinto, Alex Gonzaga, Wacky Kiray, Kean, at Andrew E. Pero nitong mga huling episode ng I Can See Your Voice ay kasama na si Bayani Agbayani at siya ang basag trip sa grupo dahil kung ano-ano ang katatawanang sinasabi niya tungkol sa Seen-ngers o Seen-tunado.

A post shared by Kean Cipriano (@keanedward) on

At inamin naman sa amin ng taga-production ng programa na bagong dagdag nga si Bayani pero hindi naman idinahilan na lagi kasing wala si Kean.

Hindi kasi nakadadalo ng tapings ng I Can See Your Voice si Kean dahil marami na rin siyang ginagawa bukod sa pagiging singer at nagdidirehe ng music video ay umaarte rin siya sa harap ng kamera.

Sa katunayan ay kasama si Kean sa pelikulang The Seven Sundays bilang asawa ni Cristine Reyes na babaero pero mapagmahal na ama sa mga anak.

A post shared by Kean Cipriano (@keanedward) on

Sabay-sabay isinu-shoot ni Kean ang mga pelikulang Doctors to the Barrio na si Brillante Mendoza ang direktor, All of You nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado mula sa Quantum Films na kasama sa 2017 Metro Manila Film Festival, at ang Erratta mula sa Cinema One Originals na mapapanood sa Nobyembre 13-20 for Cinema One Film Festival.



Late this year ay ilalabas naman ang solo album ni Kean mula sa Cornerstone Concerts kaya hindi nakadadalo ang aktor cum musikero sa I Can See Your Voice.

A post shared by Kean Cipriano (@keanedward) on

A post shared by Kean Cipriano (@keanedward) on

ANGEL AT RICHARD,
TINILIAN SA ABS-CBN
KAPAMILYA
THANK YOU EVENT

NAGKAROON ng ABS-CBN Kapamilya Thank You event sa Enchanted Kingdom nitong Sabado, Oktubre 14 at talagang hindi magkamayaw ang fans na dumalo dahil nakita nila ang kanilang mga hinahangaang artista.

Most applauded sina Angel Locsin at Richard Gutierrez bilang love team sa La Luna Sangre at may mga sumisigaw na  ’Chard-Gel.’

Ang iba sa mga dumalo ay supporters pa ng dalawa noong nasa GMA 7 pa sila as loveteam.

May nag-post nga na fan ni Angel ng, ”13 years ko siyang hinahangaan, pagkakataon ko ng mahawakan ang kamay niya,” sabay pakitang kinamayan siya ng aktres.

Wala naman ang KathNiel sa nasabing event dahil si Daniel Padilla ay may shooting ng The Revengers nila nina Vice Ganda at Pia Wurtzbach samantalang si Kathryn Bernardo naman ay may commercial shoot.

Namataan din si Maja Salvador para sa programa niyang Wildflower, Jason Dy, Young JV, Elmo Magalona, at Janella Salvador para sa ASAP at ang ilang miyembro ng Girltrends at Hashtags bilang representative ng It’s Showtime at ang mga taga-MOR radio show.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com