Wednesday , June 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dingdong tuloy lang ang pagtulong, pagpasok sa politika ‘di pa tiyak
Dingdong tuloy lang ang pagtulong, pagpasok sa politika ‘di pa tiyak

Dingdong tuloy lang ang pagtulong, pagpasok sa politika ‘di pa tiyak

WALANG direktang sagot ang Kapuso Prime time King  na si Dingdong Dantes kung totoong tatakbo siyang congressman ng District 2 ng Quezon City. Hindi siya maka-yes at hindi rin maka-no.
“May mga project ako na naroon ngayon, nationwide naman kasi ‘yung reach ng aming mga project sa ‘Yes Pinoy Foundation’ but we also have projects in 2nd district of Quezon City kaya ‘yun siguro,” paliwanag niya nang makatsikahan namin siya sa presscon ng Seven Sundays na showing sa October 11 kasama sina Aga Muhlach, Enrique Gil, Cristine Reyes, at Ronaldo Valdez.
 Basta tuloy-tuloy lang ang pagtulong niya sa mga kababayan natin na nangangailangan.
 Ayon naman sa isang malapit sa actor, hindi niya nararamdaman na papasukin na ni Dingdong ang politics dahil hindi pa nababago ang mga plano sa paligid niya.
 Sige abangan na lang natin…

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved