Tuesday , December 12 2017
Breaking News
You are here: Home / News / Water tank explosion victims umapela ng ayuda

Water tank explosion victims umapela ng ayuda

LUMATAG na parang galvanized iron ang sinabing sumabog na tangke ng San Jose del Monte Water District sa Barangay Muzon, ng lungsod, na ikinamatay ng dalawang sanggol, at dalawang katao pa, at ikinasugat rin ng 44 residente.

UMAPELA ng tulong mula sa local water district ang mga residente ng San Jose del Monte sa Bulacan, na apektado ng sumabog na water tank sa lugar.

Ilang residente ang nagpahayag na wala pa silang natatanggap na kahit na anong tulong mula sa mga opisyal ng San Jose del Monte Water Distrcit makaraan ang pagsabog ng water tank sa Brgy. Muzon.

Bukod anila sa food packs at relief goods na ipinadala ng lokal na pamahalaan, wala pang natatanggap na tulong ang mga residente mula sa San Jose del Monte Water District.

Nabatid din na wala pang kinatawan ng water district ang nakikipag-ugna-yan sa kanila.

Una dito, inihayag ng local water district na na-kikipag-ugnayan na sila sa Commission on Audit para mabatid kung magkano ang ibibigay na financial assistance sa bawat apektadong pamilya.

(MICKA BAUTISTA)



COMMENTS

About Micka Bautista

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com