Friday , May 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Matatag pa rin ang DoJ at NBI
Matatag pa rin  ang DoJ at NBI

Matatag pa rin ang DoJ at NBI

KUNG magandang serbisyo publiko ang pag-uusapan ngayon ay talagang maganda ang samahan ng Department of Justice (DoJ) at National Bureau of Investigation (NBI).
Maganda kasi ang working relationship nina Secretary Vitaliano Aguirre at Director Dante Gierran.
Hindi nagkamali ang ating Pangulo na italaga sila sa DOJ at NBI dahil sila ang mga opisyal ng gobyerno na tapat sa tungkulin.
Dapat talaga na tulungan sila at ipagdasal na sana’y maresolba ang mga higg profile cases.
Maganda ang hangarin ng mahal na kalihim ng DoJ sa ating bansa.
Kung matatandaan ninyo sa kanyang pahayag noong 120th Anniversary ng DOJ ay “ [email protected] has shown all of us what can be done if we are all marching in one direction for God, for country, for our people and for justice.
Aniya, “I have been categorical since day one of my stewardship of your DoJ, we will earnestly work to make your DoJ better than when we found it!
Magmumula sa magandang leadership ng DoJ kaya ang NBI ay lalong nai-inspire sa pa-ngunguna ni Director Atty. Dante Gierran.
Hindi tumitigil sa pag-iimbestiga at 24/7 sila kung magtrabaho.
Kamakailan lang ay inaresto ng NBI ang isang Australian fugitive na sangkot umano sa drug trafficking at pati fake news na naglalabasan na nakasisira sa isipan ng tao at gustong sirain ang kredibilidad ng ating mga lingkod bayan.
Ang DoJ at NBI ay nagtutulong para sa kapakanan ng marami at sa ikakatahimik ng ating bansa.
Mabuhay kayong lahat! God bless us all.

COMMENTS

About Jimmy Salgado

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved