Sunday , October 22 2017
Breaking News
You are here: Home / News / Mahihirap prayoridad ni Digong (Para sa kanilang kapakanan)

Mahihirap prayoridad ni Digong (Para sa kanilang kapakanan)

PATULOY na isinusulong ng pamahalaan ang mga programang nag-aangat sa mga Filipino mula sa kahirapan.

‘Yan ay sa kabila ng kabi-kabilang batikos ng oposisyon kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Sa pahayag ng Malacañang, malinaw umano na mataas pa rin ang tiwala ng taong-bayan sa Pangulo.

Sa huling survey na ipinalabas ng Social Weather Stations (SWS), lumabas na 67 porsiyento ng mga Filipino ang nasisiyahan sa performance ng Pangulo bagama’t mas mababa ito kompara sa nakaraang kuwarto ng taon.

Base sa survey, na-nanatili sa antas na “good” ang satisfaction rating ng Pangulo bagama’t noong 23-27 Setyembre 2o17, panahon na isinagawa ang survey ay mainit ang mga usa-pin hinggil sa extra judicial killings, shabu hearing sa Senado at ang ginanap na National Day of Protest noong 21 Setyembre.

Ayon sa Malacañang, walang dapat ikabahala sa pagbaba ng ratings ng pangulo sapagkat ito ang sukatan kung ano-anong programa ang dapat i-prayoridad ng pamahalaan.

Sa kabilang banda, nananatiling mataas sa 73 percent ang trust rating ng pangulo, habang 12 porsiyento ang nagsabing may “kaunting tiwala” sa kanya.

Sa pagpasok ng ika-lawang taon ni Duterte, at matapos ang matagumpay na kampanya kontra droga mahigit isang mil-yon ang sumuko at daang libo ang nasampahan ng kaso.

Nakatutok na rin ang pamahalaan sa mga programang kontra kahirapan.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, maluwag nilang tinatanggap ang resulta ng survey sapagkat nangangahulugan ito na kailangang mas paigtingin pa ang pagpapatupad ng magagandang programa patungkol sa ekonomiya at pagtaas ng antas ng kabuhayan ng mahihirap.

Ang kampanya kontra kriminalidad, korupsiyon at ilegal na droga ay mananatiling prayoridad ng pamahalaan.

Sasabayan ito ng mga programang mag-aangat sa kahirapan gaya ng libreng edukasyon sa mga pampubikong kolehiyo at unibersidad, dagdag tulong sa mga benepisyado ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program gaya ng bigas at libreng gamot sa mga maralita.

“Nakatuon ang ating pamahalaan sa pagtatayo ng mga impraestruktura na malaki ang maibibigay na ayuda sa ating ekonomiya. At kapag nariyan na ang mga nasabing proyektong, normal na darami ang oportunidad para magkatrabaho ang ating mga kababayan. Pangmatagalang solusyon ang ating tugon sa problema sa kahirapan,” ani Andanar.

Paliwanag ni Anda-nar: “Tinatanggap natin ang resulta ng survey na ating tutugunan sa positibong paraan. Ito ay magsisilbing giya o guide sa ating mga susunod na hakbang.”

Bagama’t umiiral pa rin ang Martial Law sa buong Mindanao, nananatiling pinakamataas pa rin dito ang rating ng Pangulo. Nangangahulugan ito na habang may iba o kontrang pananaw ang ibang mga taga- Visayas at Luzon, suportado ng mga taga-Mindanao ang Martial Law.

Naniniwala ang Palasyo na muling aarangkada ang rating ng Pa-ngulo sa oras na matapos na ang krisis sa Marawi. Ganyondin, kapag naila-tag na at naipatupad ang mga programang makahirap ay muling tataas sa record levels ang kompi-yansa sa Pangulo.
Ang isinagawang survey ay bunga ng mga panayam sa 1,500 indibidwal sa buong kapuluan na napakaliit na bilang para kumatawan sa mahigit 100 milyong mamamayang Filipino.

HATAW News Team

Palasyo aminado
POPULARIDAD
NI DIGONG
BUMAGSAK
SA ‘KILLINGS’

AMINADO ang Palasyo na ang pagbagsak ng popularidad ni Pangulong Rodrigo Duterte ay bunga ng pagpatay ng mga pulis sa tatlong kabataang iniugnay sa illegal drugs.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ang pinakahuling resulta ng Social Weather Station (SWS) survey ay repleksiyon ng sentimyento ng publiko sa sunod-sunod na pagpatay kina Kian delos Santos, Carl Arnaiz at Reynaldo de Guzman ng mga pulis-Caloocan kamakailan.

“Various sectors of society, including the President, were outraged by what they perceived to be an unjustified killing by police officers. The latest survey is a reflection of that sentiment,” ani Pa-nelo sa isang kalatas.

Hindi aniya kinokonsinti ng Pangulo ang mga abusadong pulis kaya agad na pinasibak sa puwesto, ipinakulong at sinampahan ng kaso.

Giit ni Panelo, hindi nababahala ang Pangulo sa pagbaba ng kanyang popularidad at patuloy na isusulong ang drug war.

(ROSE NOVENARIO)



COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top