Sunday , October 22 2017
Breaking News
You are here: Home / News / LP solons pumalag (Sa panggigipit kay Morales)
LP solons pumalag (Sa panggigipit kay Morales)

LP solons pumalag (Sa panggigipit kay Morales)

NAGPAKITA ang mga miyembro ng Liberal Party sa House of Representatives ng kanilang suporta sa Office of the Ombudsman, sa gitna ng kinakaharap nitong kontrobersiya.

Sa pangunguna nina Deputy Speaker Miro Quimbo at Quezon City Rep. Kit Belmonte, secretary-general ng LP, naglabas ng isang resolusyon ang mga mambabatas. Dito, ipinahayag nila ang paniniwalang kailangan pangalagaan ang integ-ridad at kasarinlan na iginawad ng Konstitusyon sa nasabing opisina.

Ayon sa mga mambabatas, binigyan ng ganitong kapangyarihan at papel ang opisina ng Ombudsman upang masiguro na hindi maaabuso ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan ang kanilang posisyon, at mapanagot kung sinuman ang makagagawa nito.

Dagdag nila, kaila-ngang galangin ang mandato ng Ombudsman, at ihiwalay sa usaping politika.

Kabilang sa mga pumirma sa resolusyon sina Reps. Raul del Mar (Cebu City, 1st district), Maria Lourdes Acosta-Alba (Bukidnon, 1st district), Emmanuel Billones (Capiz, 1st district), Kaka Bag-ao (Dinagat Islands), Gabriel Bordado Jr. (Camarines Sur, 3rd district), Christopher de Venecia (Pangasinan, 4th district), Edgar Erice (Caloocan City, 2nd district), Bolet Banal (Quezon City, 3rd district), at Edgar Sarmiento (Samar, 1st district).

Inilabas ng LP representatives ang nasabing resolusyon sa gitna ng pagkuwestiyon sa mandato ng Office of the Ombudsman, matapos ianunsiyo na magsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa umano’y tagong yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte.

HATAW News Team



COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top