Sunday , October 22 2017
Breaking News
You are here: Home / News / 30 Pinoys nahahawa ng HIV kada araw — DoH
30 Pinoys nahahawa ng HIV kada araw — DoH

30 Pinoys nahahawa ng HIV kada araw — DoH

UMAABOT sa average na 30 Filipino ang nahahawaan ng human immunodeficiency virus (HIV) kada araw, karamihan ay dahil sa kawalan ng impormasyon hinggil sa virus na kalaunan ay nagdudulot ng acquired immunodeficiency syndrome o AIDS.

Ayon sa ulat, nakaaalarma ang rate na umaabot na sa 45,000 katao ang naimpeksiyon ng HIV hanggang ngayong Oktubre.

Ayon sa HIV awareness campaign Pedal for HIV, ang haka-haka tungkol sa HIV, na tumindi bunsod nang kawalan ng impormasyon, ang kabilang sa maaaring sisihin sa patuloy na stigma laban sa mga taong maysakit na HIV.

Ang nasabing stigma ang dahilan kung bakit maraming mga taong may HIV ang hindi sumasailalim sa pagsusuri hanggang ang kanilang kondisyon ay humantong sa AIDS.

“Doon sa mga tao namang nagdi-discriminate sa mga taong tulad namin, living with the virus at natatakot magpa-test, ‘wag ninyo na po sa-nang hintayin na maging apektado kayo directly ng virus,” payo ni Pedal for HIV founder Faustine Angeles. “Let’s be responsible to get tested regularly,” dagdag niya.

Ang Pedal for HIV ay nagsasagawa ng fun run, Zumba classes, at free HIV tests tuwing Linggo bilang bahagi ng adbo-kasiya para mabura sa stigma mula sa HIV at AIDS.

“Hindi na dapat tayo magsawalang kibo sa HIV. Kailangan ng all of government, all of society approach,” ayon kay Health Asec. Eric Tayag.



COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top