Tuesday , June 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Mag-asawa niratrat, misis patay (Mister dating asset ng pulis)
Mag-asawa niratrat, misis patay (Mister dating asset ng pulis)

Mag-asawa niratrat, misis patay (Mister dating asset ng pulis)

PATAY ang isang ginang habang kritikal ang kanyang mister makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem habang lulan ng motorsiklo sa Kasiglahan Village, Rodriguez, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang namatay na si alyas Nene, habang agaw-buhay sa Amang Rodriguez Medical Center ang mister niyang si Benedicto Talpe, dating police asset, kapwa nakatira sa Phase-1F Suburban, Brgy. San Jose, sa nabanggit na lugar.

Agad tumakas ang dalawang suspek sakay ng isang motorsiklo na walang plaka, sa hindi batid na direksiyon.

Ayon sa imbestigas-yon, dakong 6:10 pm, sakay ng motorsiklo ang mag-asawa nang pagbabarilin sila ng mga suspek sa Blk. 1, Phase 1-G, Kasiglahan Village.

Paniwala nang pulis-ya, may kaugnayan sa droga ang motibo sa pa-mamaril sa mag-asawa.

Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing insidente.

(ED MORENO)



COMMENTS

About Ed Moreno

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved