Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bebot ginahasa, niligis sa kiskisan ng palay sa Bocaue (May diperensiya sa pag-iisip)
Bebot ginahasa, niligis sa kiskisan ng palay sa Bocaue (May diperensiya sa pag-iisip)

Bebot ginahasa, niligis sa kiskisan ng palay sa Bocaue (May diperensiya sa pag-iisip)

HINIHINALANG ginahasa bago pinatay ang isang babaeng may diperensiya sa pag-iisip, makaraan matagpuang walang buhay sa Bocaue, Bulacan, nitong Linggo.

Sa ulat mula sa Bocaue police, sa isang abandonadong kiskisan ng palay natagpuan ang bangkay ng biktimang kinilala lamang sa pangalang Kim.

Tadtad ng pasa at sugat ang katawan ng biktima, tanda nang sobrang pagpapahirap ng hindi kilalang suspek.

Ayon sa kaibigan ni Kim na kumukupkop sa kanya, umalis ang biktima sa kanilang bahay nitong Sabado para mangalakal ngunit hindi na bumalik.

Hinala ng kaibigan ni Kim, may nakainoman ang biktima at malamang iyon ang humalay at pumatay sa kanya.

(MICKA BAUTISTA)



COMMENTS

About Micka Bautista

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved