Wednesday , February 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angel, sandigan ang mga braso ni Neil
Angel, sandigan ang mga braso ni Neil

Angel, sandigan ang mga braso ni Neil

“ARE you proposing for me to get a woman? Ikaw, puwede ka ba?” ito ang diretsong tanong ni Supremo/Gilbert Imperial (Richard Gutierrez) kay Jacintha Magsaysay (Angel Locsin) sa napanood na episode ng La Luna Sangre nitong Martes ng gabi dahil ang suhestiyon ng political strategist sa Hari ng Bampira na para bumango ang pangalan niya bilang tumatakbong Presidente ng Pilipinas ay kailangan nito ng babae para gumanda ang imahe.

Kaso sinagot ni Jacintha ng ‘No!’ kaya sabay tanong ni Gilbert (Richard) ng, “may boyfriend ka ‘no? or Girlfriend perhaps? O in love ka pa sa ex mo?”



Ay grabe, nakarinig kami ng hiyawan sa napakalagkit na titigan nina Gilbert/Supremo at Jacintha at sabay sabing, “bagay pa rin sila. Sila pa rin ang original na loveteam.”

Pero bitin na naman ang LLS dahil tinawag na Lia ni Gilbert (Richard) si Jacintha kaya natigilan ang huli hanggang sa ipinakitang sinasakal ng Supremo ang kanyang political strategist.





Samantala, hindi naman nagpahuli ang tambalang Malia (Kathryn Bernardo) at Tristan (Daniel Padilla) dahil noong nakuha ng mga bampira ang huli ay kaagad siyang iniligtas ng una kasama si Jake (Tony Labrusca) kaya nakatitiyak kaming nagbubunyi ang KathNiel supporters sa eksenang ito.

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on





At nakita na rin nina Baristo (Joross Gamboa), Gael (Bryan Santos), at Veruska (Ina Raymundo) ang power ni Malia (Kahtryn) na hindi siya tinatablan ng kagat ng lobo at bampira dahil kaagad din itong gumagaling. Kaya ang payo ng una ay hintayin pa ang tamang panahon kung ano pang ibang kapangyarihan mayroon ang bagong itinakda.

Going back to Jacintha ay totoo ang sinabi ni Gilbert na kaya tinanggihan ng dalaga ang proposal niyang puwede ba siya ang babaeng nasa likod ng huli ay dahil may boyfriend ito, si Neil Arce, ha, ha.

A post shared by Gladies Quiambao (@gladiescab) on



Mukhang magiging trademark na ni Angel ang pagsusuot ng pulang damit simula noong maligtas si Cattleya sa kamay ng grupo ni Supremo dahil sa mga lakad nila ni Gilbert ay parati siyang ka-pula.

At nang dumalo si Angel ng premiere night ng Last Night nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga noong Martes sa SM Megamall ay nakasuot na naman siya ng pula/maroon kasama si Neil bilang isa sa producer ng pelikula under N2 Productions.

A post shared by Star Creatives (@starcreatives) on



Base sa kuha nina Angel at Neil na may caption na, “The Most Beautiful clothes that a Woman can wear are the arms of the man she loves.”

Anyway, muli na namang pinadapa ng La Luna Sangre ang katapat nitong programang Alyas Robinhood sa ratings game na 35.9% vs. 15.6%.

Jao, ka-grupo na
ng Angono
Artist Group

EXCITED si Jao Mapa sa papel niya sa New Generation Heroes bilang may-ari ng talyer at may kariton na ang laman ay libro para turuan ang mga batang hindi kayang pumasok sa eskuwelahan dahil sa kakulangan ng gamit at pambayad.

Kuwento ni Jao, “It was based on the story of Efren Penaflorida, pushcart educator na nanalo sa ‘CNN’ noong 2009. Ganoon ang ginagawa ko sa movie, nagtuturo. Puwedeng maging teacher o magturo maski hindi nakatapos sa pag-aaral. ‘Yung character ko, nangungolekta ng mga libro at idino-donate ko sa mga bata na hindi afford ang edukasyon.”

Ang New Generation Heroes ay tribute sa mga guro para makita o mapanood ng lahat ang hirap ng pagiging maestra mula sa direksiyon ni Anthony Hernandez produced ng Golden Tiger Films na mapapanood na sa Oktubre 4 at may premiere night sa Setyembre 29 sa SM Megamall.

Samantala, bukod sa pelikulang ito ay isa pang masayang ibinalita ng aktor na nakasama na siya sa Angono Artist Group na magkakaroon ng exhibit.

“Napasama ako kaya tuwang-tuwa ako kasi ang gagaling ng mga kasama ko at mga pamangkin sila ng mga kilalang painter at national artist pa tulad ni Botong Francisco.

“The first one na sinalihan kong exhibit was in Fisher Mall at may mga painting kami roon, mga sampu kami roon. Magandang exposure ‘yun,” kuwento ni Jao.

At noong Lunes, Setyembre 25 ay sa DOJ (Department of Justice) ay mayroong exhibit si Jao at grupo nito hanggang sa bukas, Biyernes.

“The last time na nag-exhibit ako kasama mga artista like sina Baron Geisler, Cris Villanueva, Lobangco sisters, it’s a cause for prisoners at bumili si Mayor Herbert Bautista isa-isa sa amin (exhibitors),” kuwento ni Jao.

Nabanggit din ng aktor na humingi rin siya ng tulong sa isang TV executive ng ABS-CBN na makapag-exhibit sila ng paintings ng grupo niya sa hallway ng ELJ Building.

“Grupo ng Angono artists at nagkaroon kami ng slot sa November this year,” saad ni Jao.

Acrylic ang medium ni Jao at ipinakita niya sa amin ang ilang samples ng paintings niya na at ang style niya, “I’m a figurative expressionist.”

Tinanong namin kung bakit hindi oil ang ginagamit niya na masasabing pinakamatibay at matagal ang buhay ng isang painting.

“Hindi na kasi friendly sa kids ang oil, ‘yung linseed oil unless gumamit ako ng water based oil pero hindi ko pa nagawa ‘yun. At saka ang acrylic mabilis matuyo unlike oil, matagal. Tumatagal din naman ang acrylic like 10-15 years or more. I have a painting since I was in college pa so like 20 years na,” katwiran ni Jao.

Umaabot ng P18,000 to P40,000 plus ang bawat painting ni Jao, depende sa laki nito.

Aminado rin si Jao na hindi siya laging nakakabenta ng artworks niya kaya ang bread and butter pa rin niya ang pag-aartista.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan



COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved