Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 masahista patay sa motorsiklo vs kotse
2 masahista patay  sa motorsiklo vs kotse

2 masahista patay sa motorsiklo vs kotse

PATAY ang dalawang masahistang lulan ng motorsiklo makaraan salpukin ng rumaragasang kotse sa New Manila, Quezon City, kamalakawa ng gabi.

Sa ulat kay Chief Insp. Manolo Refugia, hepe ng Quezon City Police District Traffic Enforcement Unit Sector 4, kinilala ang mga biktimang sina Rolando Olarte, 34, residente sa 13-B Victory Avenue, Brgy. Tatalon, Quezon City, at Lovely Pesimo, 26, ng 174 Purok 4, Luzon Avenue, Brgy. Old Balara, ng nabanggit na lungsod.

Habang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Kathleen Vanessa Asid, 36, nakatira sa Diamond Village, Nova-liches, Quezon City, isang transport network vehicle driver.

READ MORE:  Driver hinoldap ng 2 pasahero, taxi tinangay

Sa imbestigasyon ni PO2 Nurdi Mursidi, dakong 10:30 pm nang maganap ang insidente sa kanto ng Doña Hemady at 6th streets, New Manila.

READ MORE:  HOA auditor itinumba sa loob ng bahay

Ang mga biktima ay lulan ng motorsiklong minamaneho ni Olarte nang biglang salpukin ng Toyota Vios na minamaneho ni Asid sa nabanggit na lugar.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon sina Olarte at Pesimo at bu-magsak sa sementadong kalsada.

READ MORE:  Filipino mahalagang gamitin sa hudikatura

Agad binawian ng buhay si Olarte habang hindi umabot nang buhay sa East Avenue Medical Center si Pesimo dahil sa pagkabagok ng kanilang ulo.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide and damage to property ang suspek. (ALMAR DANGUILAN)



COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved