Saturday , October 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / PRRC, tunay na nanalo sa Int’l Riverprize sa Brisbane
PRRC, tunay na nanalo  sa Int’l Riverprize sa Brisbane

PRRC, tunay na nanalo sa Int’l Riverprize sa Brisbane

PASIG River talaga ang kampeon!

Ito ang sinabi ng maraming Filipino na nakasaksi sa katatapos na 20th Theiss International Riverprize sa Brisbane, Queensland, Australia kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Juanito Galvez, tubong Bulacan at 15 taon nang nakatira sa Sunbury, Victoria, nagsadya siya sa Brisbane dahil hindi makapaniwalang pumasok ang Pasig River bilang isa sa apat na finalist kasama ang Tweed River ng United Kingdom, Alaska at San Antonio Rivers ng United States sa 20th Theiss International Riverprize na taon-taon niyang sinusubaybayan.

“It should have been Pasig River who won!” sabi ni Galvez sabay diing mas mahirap ang ginagawa ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) na binibigyan ng relokasyon ang informal settler families sa tabi ng mga ilog, lawa, sapa at esterong karugtong ng Ilog Pasig.

READ MORE:  Masarap ba ang matrona?

Ayon naman kay Edna Salazar na kumukuha ng Master’s Degree sa Australia at may mga kamag-aral na empleado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), bulung-bulungan sa audience na ang Filipinas talaga ang dapat nanalo dahil pilit binubuhay ng PRRC ang ilog na matagal nang idineklarang patay.

READ MORE:  Spreading acts of kindness in PH

“PRRC is resurrecting a dead river how come it lost to San Antonio?” ani Salazar. “Naparami lang nila ang salmon sa kanilang ilog pero mas mabigat sa balikat ang ginampanan ng PRRC lalo sa relokasyon ng squatters na nagtatapon ng lahat ng klase ng dumi sa Pasig River.”

Idineklara ng International River Foundation na runner up ang Pasig River sa San Antonio River sa Texas sa US na isang maunlad na bansa at masayang tinanggap ni PRRC Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” Goitia ang finalist trophy na kauna-unahan sa Filipinas sa mahabang panahon.

READ MORE:  Bakit Nga Ba

“Pinatunayan nating mga Filipino na kaya natin ang rehabilitasyon at restorasyon ng makasaysayang Pasig River upang maging lugar ng turismo, libangan at transportasyon,” ani Goitia. “Ipagpapatuloy natin ang magandang simulang ito dahil para sa akin at sa taga-PRRC na nasa ilalim ng Tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte, tayo ang tunay kampeon sa 20th Theiss International Riverprize!”



COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved