Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ash Ortega, binigyan daw ng kotse ni Willie

Ash Ortega, binigyan daw ng kotse ni Willie

TINATAWANAN na lang ni Willie Revillame ang isyung nili-link siya sa kanyang co-host sa Wowowin na si Ash Ortega. Bunso nga ang tawag sa kanya ng staff ng show at ni Willie.

Itinuturing din ni Ash na kuya, tatay, at parang bestfriend si Willie.

READ MORE:  Pagbabalik ni Aga sa showbiz, matatagalan pa; real estate business inaasikaso pa

Parang anak din kung ituring ni Willie si Ash kaya nagugulat din siya kung bakit nagkakaisyu sa kanila.

Hindi naman bago ang ganyang isyu dahil lahat ng close na babae kay Willie ay iniintriga sa kanya.

READ MORE:  Kim at Enchong, puwede nang maging career ang pagho-host

Pati ang bagong sasakyan ni Ash ay naiisyu na bigay umano ng matulunging TV host. Pumalag naman ang young actress dahil siya ang bumili niyon.

READ MORE:  Janine, Lois Lane ng ‘Pinas

Hindi naman apektado si Ash sa isyu sa kanila ni Willie. Handa na siya sa ganyang mga intriga kaya tinatawanan lang niya.

Talbog!

TALBOG
ni Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved