Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Birthday surprise ni Diño kay Aiza, nasira
Birthday surprise ni Diño kay Aiza, nasira

Birthday surprise ni Diño kay Aiza, nasira

NANOOD na lang ng Games of Thrones ang National Youth Commission Chairman Aiza Seguerra sa kanyang kaarawan noong Linggo. Gusto niya ay kasama ang kanyang asawa na si Film Development Council of the Philippines Chairman Liza Dino-Seguerra dahil ngayon lang ang oras na nasa bahay sila.

Ito ang napili nilang gawin kaysa mag-special lunch sa isang Japanese Restaurant.

Tinapos talaga namin ang mahigit 30 minutes na discussion nila sa Facebook live ni Chairman Liza.

Nag-uusap at medyo nagtatalo silang dalawa dahil wish ni Aiza ay mag-stay sa kuwarto, matulog then  manood ng shows  na kasama lang si Liza.

Wala akong ibang gusto kundi ito. Happy birthday to me!!! PS Pero hindi ako tatanggi sa Lego.

A post shared by Aiza Diño Seguerra (@iceseguerra) on

“Ganyan talaga ang pagmamahal, mayroong sacrifice,” deklara ni Liza na tumatawa.

Ang gusto ni Liza ay tumayo talaga si Aiza, lumabas sila pero kinontra ni Aiza dahil mainit.

Sinabi pa ni Liza na isang araw lang sa isang taon ang birthday niya tapos itutulog lang.

Tinatanong din ni Aiza kung anong plano ni Liza at kung may surprise ba pero todo deny ang huli na wala siyang plano.

READ MORE:  Paghahanap ng magbibida sa Dapithapon…, madugo

“As if naman, hindi niya alam,” himutok pa ni Liza.

Me: Birthday mo na baby ko!Happy birthdaaaaay! Ice: Thank you love! Parang ayoko magbirthday. Me: Bakit? Ice: kasi pag magbirthday ako, bukas tapos na. One year kong hinintay, tapos Isang araw lang i-cecelebrate!😣 Me: aaaaaawwww!!! Haaaaay.Yan Ang baby kong tumatanda pero pabebe and pabebe. I really love this forever child in him. Para syang si Peter pan. Hindi tumatanda. Kaya tuloy, napagkakamalan akong nanay nya! Hahaha. Happy birthday lablab ko.Akalain mo, 4 years na tayong nagcecelebrate together. At dahil US Style tayo, di mo kailangang magtago dahil ako ang manlilibre sayo. My one wish on your special day is to grow old with you and celebrate all your birthdays with you. I promise to make your every birthday special. Mahal na mahal kita!#misteratmisiszaza #iceicebday

A post shared by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on

Aminado si Chairman Dino na parang insensitive siya dahil ang gusto lang pala ni Aiza ay matulog. Dahil mababaw ang luha niya ay naiyak pa siya.

READ MORE:  Juday, ‘di pa kontento sa 32 lbs. na nabawas sa timbang

Lahad pa ni Liza, ‘wag maging insensitive sa birthday ng asawa at mag-plan ng special lunch.

Nagkaroon pa ng isyu na kung patatayuin si Aiza at mag-lunch sila ay parang pinilit lang. Ayaw niya nang ganoong feelings.

Nag-uusap pa sila kung mag-oorder na lang si Liza ng Japanese lunch. Pero sinabi ni Aiza na kung ‘yung inisip niyang lugar siya dadalhin ay tatayo siya.

When Liza and I got together the first time nung 1999, wala akong matandaan na nag picture kami. Hindi ko alam kung bakit pero malaking dahilan siguro dun ay dahil hindi kami "out". Lahat ng memories ko sa kanya, nasa utak ko lang. Minsan nagdadalawang isip pa ako kung nangyari talaga dahil nga walang pruweba. Habang tumitingin ako sa mga photo album kanina, hindi ako makapaniwala nung nakakita ako ng mga litrato niya at laking gulat ko na mayroon kaming picture. Nag-iisang litrato! Nakuhaan sa backstage pagkatapos nila mag perform sa CCP ng Portrait Of An Artist As A Filipino. So here it is, the only picture of Liza and I circa 2002 (sa nipis pa lang ng kilay niya, alam mong may kalumaan na). Mula noon hanggang ngayon, wala pa rin nag bago sa ngiti ko. Dahil noon pa lang patay na patay na ako sa iyo.😍

A post shared by Aiza Diño Seguerra (@iceseguerra) on


Feeling nabuwiset, nainis, na-badtrip si Liza dahil nasira na ang surprise niyang Japanese lunch na medyo malayo sa lugar nila. Hindi ito sa Quezon City.

READ MORE:  Pabango ni young star, masakit sa ilong at mata

Sey pa ni Aiza, kung hindi niya birthday ay baka inaway siya ng asawa niya.

“Kung may surprise kayo, di ba hindi niyo sasabihin,?” sambit pa ni Liza.

Pero ang natutuhan ni Chairman Dino ay tanungin muna ang asawa kung ano ang plano at gusto sa kanyang special day .Kung ano ang magpapasaya rito.

Ang ending, napagkasunduan na lang nilang mag-dinner na mag-asawa sa Japanese restaurant sa Sept 19. Sinunod na lang ni Liza kung ano ang desisyon ni Aiza dahil ito naman ang may kaarawan.
Pak!

TALBOG
ni Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved