Saturday , April 27 2024

Yassi, kompiyansang ‘di maaagaw ni Yam si Coco

NAPADAAN kami sa shooting ng Pambansang Thirdwheel nina Sam Milby at Yassi Pressman sa Urology Center of the Philippines, Maginoo Street, Barangay Pinyahan, Quezon City noong Huwebes.

Masaya ang atmosphere sa set at pati mga artistang inabutan namin tulad nina Candy Pangilinan at Kim Molina ay masayang nagkukuwentuhan habang kinukunan sina Sam at Yassi.

Ilang minuto lang kami naghintay ay nag-cut na si direk Ivan Andrew Payawal kaya nakatsikahan namin sandali si Yassi na kaagad namang bumati nang makita kami.

Hiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii from Team #AP3W! ✨ “Ang Pambansang Third Wheel” coming soon!!!!

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) on

In fairness kay Yassi Ateng Maricris, matandain talaga at magalang maski na sikat na rin sabi nga ni direk Malu Sevilla, may 27 product endorsements siya pero nananatiling humble at magaan katrabaho na totoo naman din.

Tinanong namin si Yassi na buti naisingit niya ang shooting ng Ang Pambansang Thirdwheel dahil ang alam namin ay araw-araw ang taping niya ng FPJ’s Ang Probinsyano.

“Nagpaalam po ako kasi kailangan nang tapusin din itong ‘Pambansang Thirdwheel’. Pumayag naman po sila habang may ‘Ang Panday’ si Coco (Martin),” saad ng aktres sa amin.

Minsan ay hindi nagiging araw-araw ang taping ng FPJAP  dahil nga nasasabay na rin sa shooting ng Ang Panday na kailangan na ring matapos.

Base sa tumatakbong kuwento ng aksiyon-serye nina Coco at Yassi ay nasa bundok si Cardo (Coco) at si Yam Concepcion ang ka-tandem at tinanong namin kung okay lang sa Tisay na aktres kung natatalo na ang tambalang Yassi-Coco ng Coco-Yam.

“Ay okay naman po, nakatutuwa nga kasi ang lakas ng loveteam nina Lena-Fernan, masaya nga po kasi ang daming natutuwa sa kanila,”nakangiting sabi ni Yassi.

Oo nga, wala namang dapat ikabahala si Yassi sa Coco-Yam dahil sa siya pa rin ang asawa sa serye at sa umereng episode noong Biyernes ay nagtapat na si Lena kay Fernan na mahal niya pero tumanggi ang lalaking sundalo at hindi tama iyon.

Nakita naman ni Pinuno (Lito Lapid) ang pagtanggi ni Fernan sa anak niyang si Lena kaya inalo niya ito at huwag ng ipilit pa ang sarili habang umiiyak ang babaeng rebelde.

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion) on

Going back to Pambansang Thirdwheel ay ilang araw na lang ang natitira nitong shooting days’ kaya magagaan na lang ang nakita naming kinukunang eksena ni direk Payawal na produced ng Viva Films at line produced ng IdeaFirst Company.

As of this writing ay FPJ’s Ang Probinsyano lang ang serye ni Yassi at wala pa siyang alam kung ano ang next niyang gagawin dahil matagal pa ang itatakbo ng programa na hanggang Enero 2018 pa depende kung hindi ulit mae-extend.

Medyo malalim ang mata ni Yassi kaya tinanong namin kung nakatutulog pa siya? ”Opo naman, mayroon naman. Si Coco ang hindi na yata natutulog,” seryosong sabi ng leading lady ng aktor.

Oo nga, natutulog pa nga ba si Coco, eh, parehong malalaking project ang ginagawa niya, Ang Panday at ang FPJ’s Ang Probinsyano?

“’Yun nga po, eh.  Hindi naman na siya bumabata, hindi na siya teenager kaya dapat asikasuhin na rin niya ang health niya,” nag-aalalang sabi sa amin ni Yassi.

Hayan Coco, concerned si Yassi sa ‘yo, sana nga huwag mo namang abusuhin ang katawan mo, mahirap magkasakit!

SUE, NABABALIW
SA PAG-IBIG;
JOAO, IPINAKILALA
NA SA PAMILYA

SA nakaraang presscon ng The Debutantes ay inamin ni Sue Ramirez na nakararamdam siya ng kakaiba sa nilipatan niyang condo.

Natanong kasi ang buong cast ng pelikula na sina Sue, Michelle Vito, Channel Morales, Jane de Leon, at Miles Ocampo kung may experience na silang kababalaghan na related sa kuwento ng The Debutantes.

Ayon kay Sue, ”ako po maraming experiences lalo na po noong bagong lipat ako sa condo, maaga po kaming umalis ng kasama (PA) ko pinatay po namin ‘yung mga ilaw pagbalik po namin, bukas lahat ng ilaw sa banyo, sa kuwarto. 

“And ang dami ko pong experiences din ng sleep paralysis, nagkaroon po ng time na one whole month, every night po eventually nawala rin. Sa condo, wala naman pong masamang nagawa sa akin, so okay lang, marami lang po talaga akong experiences.”

Hindi naman matatakutin ang aktres pero dahil sa naramdaman niya ay nag-iingat at parati siyang nananalangin.

At dahil Debutantes ang titulo ng pelikula ay nasubukan ba ni Sue na magkaroon ng debut party?

“Ako po kasi, I lost my dad at 17 (years old), isa rin po iyon sa mga rason kung bakit hindi ako nag-debut kasi ang pangarap ko lang naman ay maisayaw ako ng daddy ko sa aking debut, pero hindi na po siya umabot kaya hindi ko na po itinuloy (party),” pagtatapat ng dalaga.

Nabanggit ni direk Prime Cruz na sa limang babaeng cast ay si Sue ang baliw sa grupo kaya na-curious kami kung bakit nasabi ito sa dalaga.

“Kasi po lahat tahimik sa set, ako lang po ‘yung daldal ng daldal at kung ano-ano sinabi ko po, lahat kinakausap ko kaya siguro ganoon ang tingin sa akin.”

Mukha naman dahil pati ang nakangangang pagtulog at double chin ni Sue ay ipinost niya sa Instagram niya na may 2.6-M followers.

“Oo nga po, kasi natatawa sila sa mga ipinagpopo-post ko po ng mga kabaliwan ko, kaya po sinabihan akong baliw ni direk Prime. Like nag-post po ako ng nakanganga akong matulog, at itong double-chin ko. Hayun, natatawa po lahat sa akin,” natatawang sabi ng aktres.

Tsinek nga namin ang Instagram account ni Sue at oo nga, kung anik-anik ang posts niya pero kaya rin siguro marami siyang followers ay dahil nagagandahan sa mga suot niyang damit na fashionista ang dating ng dalaga.

Anyway, natanong si Sue pagkatapos ng Q and A na nababaliw din siya sa pag-ibig.

“Huh! Grabe naman. Hindi naman po nabaliw sa pag-ibig, ang OA naman niyong nabaliw sa pag-ibig,” mabilis na sagot ng dalaga.

Sabay bulong ng, ”in love lang? Huwag muna, ang daming project, eh.”

So may lovelife nga si Sue.  Bawal ba itong pag-usapan?

“Hindi nman po sa hindi puwedeng pag-usapan, hindi lang po ‘yun ang concern ko ngayon,” maagap nitong sagot.

At ang lucky guy ay si Joao Constancia na miyembro ng Boyband PH kaya siya nababaliw.

“We’re seeing each other, lumalabas po kami ni Joao, pero no pressure, kalma lang, alam naman namin ‘yung priorities namin pareho,”mabilis na pag-amin ng dalaga.

Tinanong namin kung exclusively dating sila ni Joao, ”no pressure po. Opo, kaming dalawa lang lumalabas po kami, pero walang (relasyon).

Hirit namin na ‘wala lang label?’

“O sige po, kayo na lang (maglagay) ng label,” tumawang sagot ng dalaga.

Matagal na ba kayong lumalabas ni Joao, tanong ulit namin, ”hindi po.”

Nanliligaw ba ang binata sa kanya.

“Tanungin niyo po siya, ‘yun po ang dapat na itanong sa kanya,” nakangiting sabi ni Sue.

‘If ever ba na manligaw si Joao, sasagutin mo,’ tanong ulit namin? ”Hindi ko po masabi, basta sa ngayon, masaya kaming lumalabas.”

Ano ang nagustuhan mo kay Joao? ”Mabait  po siya, sobra, very caring very purisigido siya sa mga ginagawa niya.”

Hirit namin kung kinakantahan siya ni Joao.

“Ha ha hindi po siya kagalingang kumanta, alam niya ‘yan, alam niya po ‘yan, hindi siya magagalit sa akin,” tumatawang sabi ng dalaga.

Hirit kaagad namin, ‘eh, bakit siya napili sa Boyband PH? “Kasi nga po gusto niya talaga ‘yung ginagawa niya,”saad ng lady love ni Joao.

Nakilala na ni Sue ang pamilya ni Joao na umuwi ng Pilipinas mula Macau, China, ”Umuwi po sila rito, okey naman po. Mabait ‘yung family niya, okey naman ‘yung family ko with him. ‘Yung pakikitungo ko na tao lang, tinanggap din naman po bilang tao.”

At ang pinakanagustuhan ni Sue kay Joao, ”siya lang po ‘yung  naglakas ng loob na humarap sa family ko.”

At dahil nagkakilala na ang kani-kanilang mga pamilya ay iisa lang ang ibig sabihin, pormal na sila na.

“Wala pa po kami sa level na wala, we’re just enjoying each other’s company when we go out. Ito lang po ang masasabi ko sa ngayon, wala po kaming pressure-an. Wala po kaming hinihingi sa isa’t isa. ‘Yung give ang take namin, hindi ito forced. Sa ngayon, happy lang,” pahayag ng dalaga.

Pero sa Star Magic Hall ay hindi si Joao ang date ni Sue.

“I’m walking the red carpet alone wearing my very Francis Libiran gown, and very excited for everyone to see,” masayang sabi ng dalaga.

Ay bakit wala siyang date? ”Wala lang, hindi po necessary maging magka-date sa Ball.”

Pero kung papipiliin siya sino ang gusto niyang maka-date? ”Siyempre po si Joao kasi lumalabas naman na kami, pero ‘di naman siya big deal, maybe we will be seeing each other inside, we will be talking. It’s a place and event to socialize with everybody, not just go out with just one person,”  paliwanag ng dalaga.

Samantala, abot-abot ang pasalamat ni Sue kina Mother Lily Monteverde at  Ms Roselle Monteverde-Teo dahil binigyan siya ng pelikulangThe Debutantes na mapapanood na sa Oktubre 4 mula sa direksiyon ni Cruz.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *