Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mga awitin ni John Melo, sikat pa rin hanggang ngayon
Mga awitin ni John Melo, sikat pa rin hanggang ngayon

Mga awitin ni John Melo, sikat pa rin hanggang ngayon

BUKOD sa pagiging sikat na dentista sa San Francisco California, USA, si John Melo ay show producer na rin. Katunayan, isa siya sa producer ng concert nina Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Mitch Valdez, at Nanette Inventor na may titulong Diva 2 Diva na gaganapin sa Chabot Performing Arts Center, Hayward CA USA sa Nobyembre 3, 2017. At for tickets online ay maaring mag-log on sa https://www.jmeloentertainment.com/or call 415-747-7240.

Nakilala si Melo sa awiting Hanap-Hanap Kita na isinulat ni Vehnee Saturno at sumikat 25 years ago na hanggang ngayon ay pinatutugtog pa rin sa Spotify at Itunes kaya sa madaling salita, tanda pa rin siya ng tao lalo na ‘yung fans niya na hindi pa rin bumibitiw sa kanya. Nagka-chat kami ni John sa FB at tinawagan kami para makipagkuwentuhan at humingi ng update sa showbiz at music industry.

READ MORE:  Miss Philippines Bea Rose, Miss International 2013!
READ MORE:  Darrenatics, nangunguna sa Ultimate Fandom Challenge ng Wish 107.5!

Ikinuwento ni John na maski successful dentist na siya sa Amerika at may dalawang clinic doon ay hindi pa rin nakalilimutan ang industriyang una niyang minahal.

Nabanggit pa ni John na in two week’s time ay mapakikinggan na sa Spotify at Itunes ang unang Christmas song niya na si Vehnee rin ang sumulat.

At ngayong Nobyembre 2017 ay 25th year na ni John at plano niyang umuwi para iselebra ito kasama ang supporters niya na hindi pa rin siya nakalilimutan dahil hanggang ngayon ay nakaka-chat pa niya at kinukumusta siya at tinatanong kung kailan siya magso-show sa bansa.

READ MORE:  Bea, nagdidisenyo ng bag na ininenegosyo

Aniya, “ngayon lang ako sana babawi, magso-show sana ako para sa kanila (fans).”

Samantala, naiimbitahan si John mag-guest sa mga show ng mga local singers para sa mga kababayang Pinoy na roon na rin naninirahan.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved