Friday , April 26 2024

Curfew sa Caloocan pinaigting

KAPWA hawak nina Caloocan City Mayor Oscar Malapitan at Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra ang symbolical check ng P1 milyon, bilang pinansiyal na tulong ng Caloocan City sa Marawi makaraan mawasak ng kaguluhan ang kanilang siyudad. Ayon kay Gandamra, tumigil ang lahat ng aktibidad pang-ekonomiya resulta ng kaguluhan at umabot sa mahigit P18 bilyon ang naging pinsala sa buong siyudad ng Marawi. Hangad ni Malapitan ang agarang pagbangon ng Marawi. (JUN DAVID)

PERSONAL na nag-obserba si Caloocan Mayor Oscar Malapitan sa pagpapatupad ng curfew sa Bagong Barrio, Linggo ng gabi.

Ayon sa mayor, may mangilan-ngilang mga residente ang nahuli sa paglabag sa ordinansa ng curfew ngunit agarang pinauwi lalo ang mga kabataan.

Ipinatawag ang kanilang mga magulang at matapos ang maikling pangaral ay pinauwi agad ang mga nahuli, sabi ng mayor.

“Ang dating mataong lugar gaya ng Bagong Barrio ay unti-unti na ring nababawasan sa kanilang pagtupad sa ordinansa ng curfew. Wala na rin makikitang mga nakahubad ng pang-itaas,” ayon sa mayor.

Ang curfew ay para sa mga menor-de-edad –— 17 anyos pababa, mula 10:00 pm hanggang 5:00 am ng susunod na araw.

Ang mga mahuhuli ay dadalhin sa holding area ng mga pulis o barangay na makahuhuli at isasailalim sa counselling.

Sa ngayon, ipinatutupad ang lumang ordinansa ng curfew at sa kalagitnaan ng buwang ito ay target nang simulan ang bagong ordinansa u-pang mailigtas ang mga kabataan sa ano mang banta ng kriminalidad sa paligid.

Sa unang pagkakataon na mahuli ang mga bata sa curfew, ang kanilang tatay ay magpu-push up.

Sa ikalawang huli, ang isa sa kanyang magulang ay magsasagawa ng community service, gaya ng pagwawalis sa loob ng apat na oras.

(JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *