Tuesday , November 21 2017
Breaking News
You are here: Home / News / Bangladeshi timbog sa shabu
Bangladeshi timbog sa shabu

Bangladeshi timbog sa shabu

ARESTADO sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob ng motel ang isang Bangladesh national at nakom-piskahan ng 50 gramo ng shabu, P300,000 ang ha-laga, sa EDSA-Rotonda, Pasay City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang dinakip na si Mohammad Anizuh Rahman, nasa hustong gulang, kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA.

Sa impormasyong nakalap ng mga awtoridad, may isang taon nang naninirahan sa Filipinas ang naturang dayuhan.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of  2002).
(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com