Monday , October 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sharon at Robin, muling magsasama sa pelikula
Sharon at Robin, muling magsasama sa pelikula

Sharon at Robin, muling magsasama sa pelikula

KASABAY ng kompirmasyong may pinagdaraanan, sinabi rin ni Sharon Cuneta sa presscon ng pelikula niyang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha na ini-release ng Star Cinema at mapapanood na sa Setyembre 6 na magsasama sila ni Robin Padilla sa isang pelikula.

SHARON & ROBIN Coming back to you on the big screen in NOVEMBER 2017!!!

A post shared by Sharon (@reallysharoncuneta) on

Aniya, sisimulan na nila ang shooting ng pelikula this month. “Mas masaya ‘yung movie na lalabas kasi iba ang rapport namin ni Robin. It’s a new story, totally new story. Dapat bagay kay Robin at sa akin. This is a romance-comedy,” paliwanag ng aktres ukol sa hindi nila natuloy na proyekto ni Gabby Concepcion.

READ MORE:  Liza, may offer na magbida sa Hollywood movie, may imbitasyon din sa Netflix

“I cannot wait because Robin is really my favorite person to work with. He’s like my twin; ganyan ang tawagan namin, kambal. We are very much alike. My happiest shooting experiences have always been with Robin,” giit pa ng Megastar at sinabing si Direk Cathy Garcia-Molina ang magdidirehe ng kanilang pelikula. Nagsama sina Sharon at Robin sa mga pelikulang Maging Sino Ka Man, ‘Di Na Natuto, at Pagdating ng Panahon.

READ MORE:  Pagpo-frontal ni RS Francisco sa M Butterfly, inaabangan
READ MORE:  Aktor na laging halukipkip ang Biblia, ‘di naipagtanggol ang Diyos

Ukol naman sa Ang Pamilyang Hindi Lumuluha, umaasa si Sharon na mas marami pa ang makakapanood ng kanilang pelikula na pinagbibidahan din nina Moi Bien, Nino Muhlach, Kiko Matos, at iba pa na idinirehe ni Mes de Guzman. Si De Guzman ang direktopr ng Ang Daan Patungong Kalimugtong, Ang Kwento ni Mabuti, at ang Diablo.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved